DI KO PANSIN ANG JASMIN SA GABI

September 30, 2004

home sweet home nagising ako kaninang madaling araw mylab. nangangamoy ang jasmin sa labas ng bintana natin. naalala tuloy kita. maganda naman ang hitsura ng bahay natin ngayon. naipaskil ko na ang painting na binili natin sa living room at maganda ang epekto niya. si datu naman ay balik sa dati niyang masiglang sarili. tumubo na ang buhok niya. ang garden ay puno na ng bulaklak at lumalamig na sa gabi. hinihintay na talaga tayo ng ating tahanan sa pagbalik natin sa pasko. all in all, ok namang lahat except sa isang maliit na kakupalan: mayron tayong bagong lipat na kapit bahay sa tapat na sobra ang yabang. araw araw na lang ay sinusubukan niya ang alarm ng kanyang bagong ford pick-up. ma umaga man o hapon, ginagawa niya ito araw-araw. minsan ko na siyang sinigawan na tigil tigilan na niya ang kakupalan niya. sa susunod na pag uwi at ginawa pa rin niya ito – kukuha ako ng bato at ipupukol ko sa windshield ng kotse niya sa madaling araw para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko pag nag iingay siya.

Advertisements

No Responses Yet to “DI KO PANSIN ANG JASMIN SA GABI”

  1. rolly Says:

    Wag padalus-dalos, bosing. Mahirap may kaaway. Malayo pa naman ang Pasig sa Antipolo. Di kagad ako makakapunta pag may kumampi diyan sa kupal na kapitbahay mo. Bigyan mo na lang sila ng sulat na wag tatanga-tanga. Sabihin mo, pag may alarm ang kotse, wag bubungguin at mag-aalarm. O kaya naman, sabihin mong, “oo na! alam na naming lahat na may alarm ang kotse mo kaya tigilan mo na kami.” O di ba mas subtle yun?

  2. Jet Says:

    May tao na sa tapat? Tsk!

    Pasensyahan mo na lang mylab. Tutal 1 week ka lang naman dyan e. Sa Dec. luma na sasakyan niya, baka sakaling magsawa na sa alarm niya. Pag maingay pa rin, hiramin natin yung wangwang ni Kuya Dennis… hehe.

    Excited na kong makita ka. Have a safe flight mylab. Labyu! 🙂


  3. hi tito rolly. hehehe… ok lang yon. pang asar lang naman ang sa akin. gusto ko lang kasing tanggalin ang yabang ng bagong kapitbahay namin. marami na nga akong naiisip ng mga practical joke para sa kanya.


  4. ayan mylab. dito na ako sa piling mo.

    ngyahaha. ipapatawag ko nga ang bumbero sa bahay niya pag inulit pa niya yon sa pasko. part ng practical joke program ko sa kanya.

  5. jennie Says:

    hay naku, kahit saan yata may bwiset neighbors. dito din sa amin yung katapat namin, saksakan ng yabang, at amingay din sha. tsk, tsk, pag mga cute talaga, minamalas sa kapitbahay :p


  6. ganyan nga talaga pag mga cute, kung sino sinong mga bugoy ang nagiging kapitbahay. sana nga magkaroon ng galis ang kupal na yon na kapit bahay ko.

  7. toni Says:

    dedmahin mo na ‘yang kapitbahay na ‘yan.

    and ang ganda ng house i must say! meditteranean ang dating.


  8. nakakainis pag tuloy tuloy na alarm na wala namang dahilan. buti pa bigyan ko na lang ng dahilan para mag alarm ang kotse ng kapitbahay ko.

    salamat sa bati sa bahay. maliit lang yan. tamang tama para sa aming dalawang mag-asawa. punta kayo one day, mag ihaw tayo sa garden.

  9. mavic Says:

    cool batjay…

    sabihin mo na lang sa kanya na basahin na lang nya site mo.

    ganda naman ng bahay mo…


  10. hi mavic.

    di ko nga kakilala dahil bagong lipat lang siya sa amin. pag uwi namin sa pasko, magpapakilala ako sa kanya. hehehe. maraming mga magagandang paraan para makilala niya ako.

    salamat sa comment sa bahay. kailangan na niya ng paint job.

  11. justice Says:

    baka naman ngayon lang nakahawak ng control ng alram niya or baka kaya bingi or baka madaming baterya sa ipapalit…hay pinoy mapansin lang, mambubulabog talaga.

    patience patience surely MAS MAGANDA yung bahay niyo sa kanila. congrats to one of your investments in life.


  12. gusto lang niya siguro na mag testing ng alarm ng kanyang brand new kotse. alam mo naman new toys for the big boy syndrome. nakakainis lang nga. yung bahay nga ang unang major investment namin. but it’s more than that – it’s our home.

  13. Yupki Says:

    Hey Batjay, gandang bahay! Wag nyo na pansinin ang kupal nyong kapitbahay, those who have least in spirit try to show off what material things they have in life. Btw, would you know how to contact Yahoo! Asia, particularly the News department? Thanks! Regards to Jet. Desperate, Y.(yasminka@gmail.com)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: