D' SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE

September 29, 2004

kung nasa marcos highway kayo nung martes ng mga ala una ng madaling araw, at may nakita kayong lalaking medyo kyut na nagpapalit ng flat tire malapit sa isang junk shop – ako yon. parang isang pang-inis na pansalubong sa akin ng tadhana. habang nagpapalit ako ng gulong, may mga grupo ng kalalakihan na nasa tabi ko. kinabahan ako nung una kasi akala ko gugulpihin nila ako (kaya ganon na lang ang hawak ko sa jack). pero pagtagal nabuwusit ako kasi ni hindi man lang sila nag offer na tumulong sa akin. mga kupal talaga – hekshuli, pinagtawanan pa nila yung aking misfortune. sana tubuan sila ng betlog sa noo. to add injury to the insult: habang inaayos ko ang aking flat, tinugtog sa radio ang i’ve never been to me, isa sa aking most hated songs. siguro na senti ang isa sa mga kupal at nilakasan pa ang volume kaya dinig na dinig ko… “ive been to paradise but i’ve never been to me” – aaaargh! dapat bitayin ng sampung beses ang composer ng kantang ito.

pero masaya pa rin ako kahit naflatan ako ng gulong sa marcos highway. nagkita kasi kami ng mga classmates ko. kasama namin ang aming beloved math teacher na si mr. guerra. i have not seen him in 21 years pero parang kahapon lang ng magkahiwalay kami. ang saya ng mga kwento niya. we drank and told the same old stories until midnight. for that alone, ok lang sa akin na ma-flat tire ng kahit limang beses.

but much to our suprise, our teacher did more. at the end of our party, bigla na lang niyang kinalembang ang baso niyo gamit ang tinidor at bigla ba namang nag rap. oo mga brader and sister. ni rap niya yung paborito kong “Adrew Ford Medina” ni andrew E sa loob ng pepetons sa quezon city, much to the delight of the waiters and the other guests.

kumanta ba naman at mag rap ang teacher mo sa isang restaurant, kung di ka ba naman matuwa. thank you mr. guerra. thank you sir. you made this tiring trip worthwhile. until next time and with much love… from your students who adore you to this day.

Advertisements

No Responses Yet to “D' SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE”

  1. jessie Says:

    aba manong you’re in da pilippines!

    sayang nasa baguio ako.

  2. Ting Aling Says:

    Uy, nasa Baguio ka? Palamig na ba? Buti di ka hinuldap. Daming luko-luko sa banda ro’n. Sige, enjoy ka na lang. Buti ka pa nasa Pilipinas ulit.

  3. Linnor Says:

    wow, nadagdagan na naman ang iyong fond memories of the philippines… heeheehee… (i also meant the flat tire in the middle of the night)

  4. ruth Says:

    ah, kaya ka pala ganyan. kung ganyan ang mga naging teachers mo noong formative years mo, eh, no wonder, hehehehe…..

  5. din2 Says:

    sana sinabayan mo ng macarena ng di nagdigulong sa sahig sa kakatawa (ROTFL or LOL in english) pati ang mga aso sa labas ng resto.

    had a great breakfast this morning (siyempre umaga yun eh)… btw, ubos na yung bakwa… na wipe out ng mga alaga ko… di ko nga napansin eh… sa uulitin!!!

  6. rolly Says:

    hassle yun lalo na kung nag-iisa ka. Lalo pa’t gabi. Glad you’re okay. Sana tinawagan mo ko para napuntahan kita. kaya lang baka naghihilik na ko nun. πŸ™‚

  7. joan Says:

    wow you’re back home!! sige ikamusta mo na lang ako sa bayan ng antipolo!
    next time ingat, medyo nakakatakot yung lugar na yon.

  8. Jet Says:

    Mylab, ba’t di mo kinuwento saken yan!?! hehe…

    Just glad you got through the night ok. Ingat lagi ha.

    Missing you so much… Labyu!

  9. Sassy Says:

    Guessing game ulit.

    “I’ve never been to me” originally performed by Charlene Duncan, ewan kung sino ang composer.


  10. hi joan. taga antipolo ka rin ba? natakot nga ako especially when i was repairing the flat dahil within reach. tapos may dumating pa na isang group ng kaibigan nila na naka kotse. lalo akong natakot. nasira pa ang bwisit na jack. asar. ingat

    hey tito rolly. hassle. big big hassle. nung natapos ako, i was really dirty and sweating like a pig. hehe. yung pantalon ko, puro alikabok. yung kamay ko puno ng grease. di na ako nag-abala dahil madaling araw. pero i was really tempted to call somebody.

    Hi dindin. dapat pala ay isang kilo ang binili ko. ngyehehe. buti na lang, your kids loved it. you should try the gourmet bakwa. it should be available in the BCH shop in HK. if it is, you should try it because it’s really tasty.

    RUTH! yup, we were discussing this topic last monday night. yung mga teachers namin sa elementary and high school were the coolest people on earth. we adored most of them. what’s really nice eh yung mga cool at sira ulong mga teachers na hanggang ngayon, nakikita pa namin. now, everything has come full circle…. yung dating tinitingala namin have become our friends. that’s the best thing there is.

    hi jessie. pwede sanang mag conspiracy ano? hehe. di bale pag dating na lang namin ni jet sa pasko. ingat sa malamig na lugar. inggit ako.

    hi auee. i just got an email from paul the unlawyer telling me na personally kilala niya ang pamilya casus. he’s a cool guy and a great trumpet player. i loved your bulog story. hehe. maraming mga tao ngayon, di na nila alam kung ano ang “bulog”.

    ate sassy! ang galing mo talaga sa name that tune. tama ka – Guessing game ulit. “I’ve never been to me” originally performed by Charlene Duncan, one of my most hated songs! hehehe.


  11. mylab,

    kanina, nagising ako ng madaling araw. amoy na amoy ko ang mga jasmin na tanim natin sa labas ng bintana. na miss tuloy kita.

    lab U!
    jay

  12. Dr. Emer Says:

    Good exercise, sir. Hassle talaga yan. Ako nga nagkaganyan din, sa EDSA pa.

  13. toni Says:

    Uuuuy talaga andito ka sa Pilipinas? Email mo naman ako, may gusto sana akong padala na gift sa asawa mo (Sa ‘yo, sorry wala eh. Hehehe).

    At tungkol sa kanta… gusto ko ‘yang song na ‘yan eh. Masarap kantahin sa videoke. πŸ˜€

  14. glo Says:

    aliw talaga ako sa mga posts mo…maliit pa ako naririnig ko na ang kantang yan. college na ako nung maintindihan ko ang meaning. di ba kanat ng pokpok yun?

  15. glo Says:

    correction: kanta ng pokpok.

  16. delish Says:

    welcome back to the philippines fafa jay
    while your love is waiting in singapore!!!

    la lang…

  17. Paul Says:

    Nangyari na rin sa akin yan sa Quirino Ave. sa Sta. Ana. May mga lumapit sa akin, akala ko magmimiron lang sila pero buti na lang mga barangay tanod sila at tinulungan nila ako. Binigyan pa ako ng souvenir – isang tubo para may lever ako in the future.

    Enjoy your homecoming.

  18. marky Says:

    mr. guerra was my class adviser and math teacher hehehe… naalala ko tuloy… sometimes he’ll do standup comedy every now and then… green sometimes hehehe

    πŸ˜€

  19. Renee Says:

    Heh heh…naalala ko tuloy yung Tagaytay story na ine-mail ni Sara sa PamilyaSereno!

    Perskasin!!! Siguro nilasing niyo ng todo si Mr. Guerra for him to let go of his ethos just like that!

    At hello…kinakanta ko yung kantang yon ha? he he…guilty as charged! Napakadali kasing kantahin eh, kaya it’s easy to sound good. Pero I draw the line sa spoken words. Even those are too cheesy for me! (heh heh)

    Don’t worry…I’ll make sure to pass it up next time we sing karaoke. I know it’s a sacrifice, pero kantahan mo lang ako ng “Pitong Gatang”, solb na sa ‘kin ‘yon!

  20. ate sienna Says:

    FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!

    kamusta na ang pilipinas? mag-iingat ka dyan mabuti. paki-hi mo na lang ako sa mga makakasama mong mga blogger friends natin na nasa maynila.

  21. ate sienna Says:

    at oo nga pala, bigla akong kambyo… ako peborit ko yung kantang yan kasi… kasi… teka bakit ko nga ba paborito yun????

    kinakanta ko rin yan nung bata ako tapos nung lumaki na ako (kung lumaki nga ako) dun ko lang na-realize kung ano ibig sabihin nung kanta. Pero ok lang.. i’ve been “to me” na naman eh. I’ve been to makati pa, atsaka quezon city, cebu, iloilo, davao, surigao, siquijor, jongking, jameyrika at kaneyda pa.

    hehehe…

  22. AnP Says:

    baka naman di ka tinulungan kasi laki mong tao, mukhang kayang kaya mo na ang pag change ng flat tire. hehe

  23. B2 Says:

    Hesusmaryopes naman, sa lahat pa ng lugar na mabutas ang gulong mo doon pa. Haay naku, ano na nga ba ang nangyari sa pinoy? Imbis na tulungan ang kapwa pinagtawanan ka pa. Kung naroon ako, binuhat ko na ang sasakyan mo para madali ang pagpalit ng gulong.
    Talagang WELKAM TU DA PILIFINS!
    Ganito man ang nangyayari sa bayan natin, MAHAL KO PA RIN BAYAN KO!

  24. eye Says:

    hi batjay! buti na lang hindi ka pinag-tripan nung grupo ng lalaki. naiimagine mo ba kung hinoldap nilang lahat ng suot mo tapos ang naiwan na lang eh yung pantakip mo ng nipples mo? hehehe!

    kidding aside, i’m glad you enjoyed your reunion with your classmates and teacher. siguro pag matanda ka na, ikaw naman ang mag-ra-rap ng “stupid luv” para sa mga bata πŸ˜€

  25. justice Says:

    sarap naman nasa pinas ka..ingat lang at daming loko ngayon…hmmmn, ingat sila sayo! hahaha


  26. maraming salamat sa comment mo ate glo. hehehe… kanta ba ng mga pokpok ito? di ko alam. baka nga dahil sa subtle whoring. ano ba ang subtle whoring? what is subtle in whoring? that is the question.

    ingat.


  27. hi toni. sorry di ko nabasa ang message mo in time. sayang. jet would have appreciated your gift. it is a gift, correct?


  28. hey doc emer. it was a major workout for me.


  29. thank you mec. dito na ulit ako sa singapore. salamat sa bati.


  30. hi paul.

    buti ka pa tinulungan. in my case. it was a bunch of tambay na medyo lasing. i could tell dahil extra lakas ang tawanan at dialog nila.

    ingat sa germany.


  31. hey marky. good for you. he is a great teacher. bisitahin mo siya sa notre pag may oras ka.

  32. soloflite Says:

    ako din… ayoko yung “i never been to me” hahaha


  33. hi soloflite.

    but like all bad songs, over time they kind of grow on you. especially when they are used in movies. case in point is this song. “i’ve never been to me” was used as opening song of the movie “the adventures of priscilla queen of the desert”. this launched the careers of “time machine” and “la confidential” star guy pierce, and of course who can forget hugo weaving, yung contrabida sa matrix at elf king sa lord of the rings ay isang drag queen dito sa movie na ito.


  34. hi perskasin renee!

    hehehehe…. masarap actually na kantahin ang “i’ve never been to me”. especially when it gets to the part where you sing – “subtle whoring…”

    it cracks me up all the time without fail.


  35. Ninaaaaaaaaaaaaaaang! masarap talaga sa pilipinas.

  36. The Ba T-Ja Y Says:

    nung araw nga pala ninang, ang akala ko eh ang tamang lyrics sa kanta ay:

    “…i’ve been to paradise, but i’ve never been to greece”


  37. ang tagal na pala nitong nangyari, ngayon lang ako nakasagot. hehehehe… di naman ako masyadong kalakihan. over 5 ft lang ako eh.

  38. Mahinhing Talipandas Says:

    hi bossing boyetB.

    sorry for the exttremely late reply. maraming salamat sa iyong welcome. napanood ko ata yang episode na yan na binuhat yung sasakyan na flat – i think it was “superman 1”. i can’t forget the scene, it was the one where the baby superman lifted his foster parent’s car dahil na flat nga.then there’s this funny scene sa “groundhog day” where bill murray repairs the flat tire of a group of 3 old ladies.

    i’m rambling. all i ever wanted to say was – thank you for your comment.


  39. hi eye.

    pag nangyari na pantakip lang ng utong ang maiwan sa akin eh maglalagay ako ng supot sa ulo para hindi ako makilala ng mga tao.

  40. BatJay The Circumcised Chef Says:

    hi justice.

    pag inapi nila ako…. sasabunutan ko silang lahat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: