I'M YOUR ICE CREAM MAN, STOP ME WHEN I'M PASSIN' BY, SEE NOW ALL MY FLAVORS ARE GUARANTEED TO SATISFY

September 16, 2004

TANONG: dear unkyel batjay, tanong ko lang po – bakit po ba dirty ice cream ang tawag doon sa sorbetes na nilalako sa pilipinas?

SAGOT: “dear gentle reader, kaya dirty ice cream ang tawag doon ay dahil nilalagyan ng kulangot yung dulo ng cone ng mamang sorbetero. well, at least yan ang paliwanag ng mommy ko sa akin nung araw para huwag akong kumain ng dirty ice cream. wa-epek. kumakain pa rin ako. pero siyempre with extra caution – pag malapit na sa dulo ng ice cream cone ay tinatapon ko na ito para di ko makain yung kulangot.”

Advertisements

No Responses Yet to “I'M YOUR ICE CREAM MAN, STOP ME WHEN I'M PASSIN' BY, SEE NOW ALL MY FLAVORS ARE GUARANTEED TO SATISFY”

  1. gail Says:

    sabi ng mama ko, dirty daw yung ice cream dahil when the mamang sorbetero sneezes, every single germ goes to the ice-cream. yeeech! all this talk reminds me of her reason why she doesn’t buy bread at a certain bakery near my childhood home: she found an armpit hair in a pandesal her friend bought from the store. ewww! she has convinced us that all the bread in the store is dirrty. yeech!


  2. hi gail. musta ka na?

    don’t read this if you don’t want to be grossed out. sigurado ka bang armpit hair yon? nabasa mo yung previous entry ko about pinoy men not washing their hands. alam mo siguro by now that armpit hair is a bit curly – it is very similar, (ahem) in appearance, color and length to… (ahem)the armpit hair on the other kilikili of course. hehe.

  3. gail Says:

    i’m not easily grossed out, thank God. i’m fine with discussions of gross things as long as i can’t smell it (such as poop, vomit, utot, decomposing bodies…)

    omigosh, it crossed my mind too, kuya batjay. kaya grabe talaga no, i never set foot inside that bread store. the hair could have come from anywhere including never-neverland. yeech!


  4. oo nga, anong malay natin at nagkamot muna siya ng pwet bago gumawa ng hot pandesal. or… god forbid – nagkamot siya doon sa twilight zone bago gumawa ng hot pandesal.

    (TI-NU-NI-NU-NI-NU-NI-NU) background music ng twilight zone….

  5. haydee Says:

    sabi naman ng nanay ko, kaya daw dirty ice cream yun e dahil madumi yung lalagyan nung ice cream saka di daw naghuhugas ng kamay yung mamang sorbetero. kaya tuloy di ako kumain hanggang sa natikman ko nung college (masarap pala!). kaya natuto na ring kumain ng fishball at isaw. yum!

  6. JaH Says:

    Talaga? Kulangot? Akala ko naman uhog yung ginamit na pangdikit nung cone sa dulo, lalo na yung sugar cones ba yun.


  7. HAYDEE DAYDI-DAYDI-DAI! oo nga talagang masarap ang sorbetes ng pinoy. una dahil mga pinoy na rekado ang gamit at very tasty. siguro dahil (tulad ng selecta ay) gatas ng kalabaw ang ginagamit nila.

    masarap din yung bituka ng manok. ano bang street word doon – IUD ba?


  8. hi jah – musta na diyan sa toronto? may dirty ice cream din ba diyan? hehe. naalala mo pa ba ang dirty ice cream na may keso? sarap non.

  9. din2 Says:

    walandyo… ano ba yan? wala ka nang ginawa sa akin kung di bigyan ako ng kabag… alam mo ba ano ang sumusunod sa kabag?

    pero ang sarap talaga ng sorbetes a.k.a. dirty ice cream… pero di ako naniniwala sa sinulat mo… i refuse to!!!


  10. panakot lang naman yong kulangot story ng mommy ko. i’m sure it’s not true. it’s probably in the same vein as the “asado siopao is made of cat meat” story. altough from time to time, sinisilip ko ang dulo ng aking dirty ice cream cone. you never know (baka may free) – hehehe.

    FOREST GUMP: “life is like a dirty ice cream cone, you’ll never know what’s inside until you taste it”

  11. Mutya Says:

    Ay oo, talagang nakakamiss yang dirty ice-cream na yan! Type kong flavors ay ube. Siguro nga kaya masarap eh dahil sa mga secret at surprise ingredients. Yung surprise effect ay pag bigla kang napatakbo papuntang kubeta para umebak!

  12. mari Says:

    okay naman ang dirty ice cream…kumakain ako nyan. nung nasa grade school pa ko, sabi ng classmate ko wag nga daw kakainin yung dulo ng cone kasi baka daw nag-weewee yung sorbetero tapos di naman sya wash ng hands. yuck! pero di naman ako tinakot ni mama na may kulangot yung dulo ng cone.

    in fairness, natawa ako sa entry na ‘toh fafa jay.


  13. hi mutya. masarap nga ang ube – tapos may halong mangga, o kaya ay keso flavor. tapos instead na ilagay sa cone ay sa monay mo ipapapalagay para ice cream sandwich. sarap


  14. hi mari. tama ang classmate mo lalo na doon sa mga cone na walang balot na tissue. pero masarap pa rin talaga ang dirty ice cream kaya hehe… kain pa rin.

  15. Sassy Says:

    May balot na tissue na ngayon ang mga cone ng “dirty ice cream”. Sosy na, ano?


  16. yon naman pala eh. o di safe na.

  17. The Ca t Says:

    sa akin kaya dirty ice crea yan dahill nahulog na, pinupulot ko pa noong akoo ay batapa.
    Wala pa raw isang minuto.

    Uhm tsalap.

    Kapitbahay namin noon may dirty ice cream “factory”.

  18. rolly Says:

    Naku e ang hilig hilig ko pa naman sa dirty ice cream nung bata ako. Akala ko kaya maalat dahil sa keso. Tell me i’m wrong with what I’m thinking…please!!!!


  19. uhm… it’s probably the cheese (huwag sanang kesong puti). but then again (to few to mention) – it might be the salt coming from the sorbetero’s sweaty hands. or… it may be the dreaded kulangot at the end of the ice cream cone. who knows for sure. mahirap talagang isipin ang mga misteryo ng buhay – basta kain na lang tayo ng kain.


  20. D’CaT…basta wala pang 5 minutes ay ok pa rin yon


  21. wassupp kulangot dude.napatambay lang sandali

  22. kat Says:

    sayang, walang dirty ice cream dito. namimiss ko nga. even if the guys don’t wash their hands and put kulanngot inside the cone.

  23. soloflite Says:

    hahaha oo nga noh. Tayo lang ba may dirty ice cream? šŸ˜€


  24. hi reckless drummer. musta na sa new jersey? malamig na siguro sa gabi.


  25. oo nga. one of the things i miss. pero mayron nga rito sa singapore and you can but the dirty ice cream either in cones or as palaman sa tinapay. my wife jet always buys when we go to orchard road.


  26. mayroong dirty ice cream dito sa singapore. pero iba ang hitsura ng kariton. you can find them all over the island. there are a few along the shopping district of orchard road very near lucky plaza (ang tambayan ng mga pinoy). you can choose ice cream cone or ice cream tinapay sandwich.

  27. klaire Says:

    ganun?! nagun ko lang nalaman n dirty ice cream pala ang sorbetes.. kasi mama ko un ang binibili samin lage eh.. mas type pa niang bumili ng sorbetes kesa sa selecta.. never know y…

    nakakamiss din pala un noh.. ngayon ko lang naisip.. kasi yaw ko na kumain ng ice cream kasi malamig na dito sa england..

    me tanong lang me, bakit dito sa england walang tindahan (ung bang ka2lad sa pinas na “tindahan ni alng nena” or “daoming-sue sari-sari store”…) weird noh?! so kelangan pa naming pumunta sa supermarket para lang bumili ng pepsi..

    and take note: they don’t have toyo and lumpiang shanghai wrapper here.. uh-uh!


  28. hi klair.

    thanks for writing. appreciate ko when pinoys from overseas write to me. masarap talaga ang sorbetes – yan, together with the other pinoy stuff siguro ang miss na miss mo ano?

    ingat!
    jay

  29. klaire Says:

    nakakamiss nga eh.. yan, na hohomesick na naman ako!!!


  30. uwi ka once a year para nawala ng homesickness mo.

  31. klaire Says:

    pagkatapos ko mag-year 11 uuwi na daw me sa pinas eh.. panget daw education dito eh.. mas maganda daw sa pinas.. hehe.. maganda ba education dyan sa singapore?!


  32. maganda rin ang education sa singapore. world class actually. pero mesyado lang rigid – ie focused sa grades, mataas ang pressure sa student to excel at very competitive.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: