IT PUTS THE LOTION ON ITS SKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN

September 15, 2004

TOPLESS SI BATJAY PERO DI KITA ANG UTONG, PART 2 - CLICK PIC TO ENLARGE wala pong problema ang mga monitor ninyo mga braderensister. at hindi po tutuo ang tsismis na naging kulay itim ang boobs ko. hindi rin po yan eccentric na chupon ng dede ng mga satanista. hindi rin ito black eye (paano naman magkakaroon ng black eye ang suso?). eto na siya, ladies ang gentlemen, ang version 2.0 ng aking “EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG“. maraming mga enhancements ang version 2.0 – una, presentable na siya. pwede na itong gamitin ng mga tulad kong sexy macho dancer sa pagsayaw sa entablado. ikalawa, may mga hook siya na pwedeng lagyan ng lubid para sa pag execute ng mga kinky sex moves (pwede ring sabitan ng mga pinamili sa palengke). ikatlo, yung tassle po na burloloy ay pwedeng gawing pambugaw sa langaw. en paynali mga kababayan – mali rin po ang tsismis na ito ang pantakip ng utong ang ginamit ng serial killer na si jame “buffalo bill” gumb doon sa pelikulang “silence of the lambs“.

ACKNOWLEDGEMENT:

maraming salamat sa kaibigan ni sassy lawyer na si polo sa pag design ng bago kong pantakip sa utong. thank you polo. ang galing mo man – napansin ko na dahil sa mga enhancements mo ay nadagdagan ng malaki ang pogi points ko.

Advertisements

No Responses Yet to “IT PUTS THE LOTION ON ITS SKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN”

  1. gail Says:

    another laugh-fest, i see. this version is much better with the improved features and look! dapat ipa-patent na!!!

  2. rolly Says:

    Aba, ang bilis naman ng innovation. Hindi pa ko nakakabili nung first version, out-modelled na kagad. Easy lang baka may makakitang competition,hehehe.

    “Galing mo, man.” O natatandaan mo ba yung commercial na yun?


  3. hi gail! mas guwapo ako rito ano? ang laki talaga ng nagagawa ng damit sa pagpapapogi eh.

    BWAHAHAHA.


  4. uy tito rolly. thank you! oo siyempre naman at naaalala ko yung commercial na yon – ALASKA MILK with Cisco Oliver, the PBA import na nagtagal dito during the 70’s.

    “What’s that man?”
    “Alaska man?
    “Masarap?”
    “Yeah!”

    hehehehe.

  5. bongk Says:

    naku jay, ang bilis ng updated version mo eh hindi pa ganong nagsasawa ang mga ka-opismeyt ko sa first version mo ng “EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG” tapos eto na agad ang bago. teka, anu ano ang pattented colors ng version 2.0, sana ay may available na pastel colors para hindi mahirap ternuhan ng kurbata and opkors balat na sapatos..

    magandang umaga

    NB: ka Rolly kamusta ka na?


  6. kamusta bongK.

    oo nga, medyo napabilis ang design. yung kaibigan kasi ni sassy na si polo ay nag edit ng photo ko eh ni redesign niya ang look and feel ng pantakip ng utong kaya yan – may version 2 agad.

    itatanong ko doon sa manufacturer kung available na ang mga pastel colors. bagay nga yon dito – isa pang gusto ko ay ang mga luminous na matingkad na kulay tulad ng “neon hot pink”. bagay ito sa dilaw kong sapatos.

    ingat!

  7. Dr. Emer Says:

    Naku baka di pa din aprub yan ke Manong Bayani. Tip ko sayo: Favorite color nya ay pink, kaya siguro mas ok kung pink yan. Then again, pag ginawa mo yun, mapapagkamalan ka na.

    I can swear I already saw this post yesterday while refreshing pages. Galing mo man! You do your posts a day before.

    Mahilig ka din pala ke Dr. Lecter. =)


  8. ngyehehehe… ano bang standard ng decency ni bayani? relative din kasi ang interpretation nito. pink nipple cover… hmm. magandang idea yan. how about really outragious neon pink nipple covers para talagang loud ang dating.

    “silence of the lambs” ni jonathan demme is still the best film of its genre. ever. i have the criterion collection special DVD. great stuff. and yes, the title of the blog “IT PUTS THE LOTION ON ITS SKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN” comes from buffalo bill, the serial killer in the movie. i remember the scene quite vividly – it’s both scary and funny at the same time.

  9. Dr. Emer Says:

    Sometimes iniisip ko baka reverse psychology ang ginagawa ni Manong Bayani. Alam naman natin na ang color pink ay para sa ‘malelembot,’ so derpor, baka ang ginagawa nya ay color pink urinals to scare away the Pinoy machos from urinating wherever they please.

    About the “Buffalo Bill” allegory, I read somehere (sa New Yorker yata) that the reason why he wanted Catherine and all the victims to put lotion on their skins was to make them supple. Para pag binalatan nya siguro, mas maganda. Mga leather makers lang ng Meycauayan siguro makaka-appreciate nito. Yes, I agree. It was a brilliantly done psychological movie. Those that followed like Hannibal and Dragon didn’t measure up to the original.

    Great post, BatJay! 🙂


  10. correct ka diyan doc. in fact, it’s explained fairly well by thomas harris in the book. the purpose of the lotion is to soften the skin so it’ll be easier to make into a dress after he skins the body of his victim.

    nawala nga yung subtlety sa red dragon and (especially sa) hannibal. credit to jonathen demme as the director of the first film. he knows that it’s scarier and better to watch if the horror’s not too in your face.

  11. justice Says:

    hahahahaha naluluha na ako kakatawa sayo, sobra!

    suggestion: lagyan mo kaya ng “job description” yung tipong kung mahilig uminom yung tao eh di mala-mini bote ang design, o di ba?

  12. Tanggero Says:

    Pano nilalagay yan? Tinatahi ba sa utong yan? Aruy!


  13. para sa iyo – rugby na lang. pero mas gusto ko kung stapler. ako na ang gagamit ng stapler sa iyo para siguradong dikit. sadista ako eh.


  14. hmmm… justice binibigyan mo ako ng mga idea. tapos bibigyan din natin ng mga pangalan…

    para sa mga alcoholic: bar-bra
    para sa mga mahilig sa kandila: kandela-bra
    para sa mga gagamit na magician: abrakada-bra

  15. rolly Says:

    Bosing, salamat sa paggawa mo ng bagong template ko. Thanks din kay ate sienna na walang kiming nagparaya ng design. Gawa ka pa ng madami, sayang ang ideas mo kung iipunin mo lang, hehehe. Saludo ko sa bait nyong dalawa.

    Bong K, sorry, I’m having computer glitches. Sira ang computer ko sa bahay and I’m very busy at work. Hopefully magagawa na yun by Friday then tuloy ang ligaya ko sa pag-blog hop.


  16. no problem sir. nagustuhan mo ba?

  17. joan Says:

    grabe na ito!!!! di ako nakapag comment dun sa unang version sa katatawa!!! ngayon lang ako naka recover!!! bwahahahahahaha!!!


  18. hehe… huwag masyadong malakas ang tawa. baka mabilaukan ka.

  19. rodge Says:

    akala ko pa naman s&m gadget, panakip utong lang pala. oorder sana ko e ehehe

  20. Sassy Says:

    hay… sabi na nga ba… kung natawa ako nang makuha ko yang pic na yan sa e-mail ko, mas nakakatawa pa pag may write-up na. malamang, nalaglag sa silya si Polo kakatawa.

    Batjay, gusto mo ng Batjay na astronaut? Meron ako, padala ni Polo. hehehe

  21. eye Says:

    hahaha! grabe na to, isa na siyang series. buo na naman ang araw ko.

    kung wala kang bowtie, i-photoshop na lang natin tutal yung ngiti mo naman ang magdadala eh! happy sparkling teeth, kumukutikutitap! batjay – saving the world from cavities mwehehe!

  22. gail Says:

    nyahahha. mas gwapo nga.


  23. hi papa rodge!

    gusto ko ngang sabihin na S&M item yan kaya lang baka may kumidnap sa akin na dominatrix.

    musta na diyan sa LA-LA-LAND?


  24. hi ate sassy.

    mayron pa ngang ginawa si polo na mas exciting dito. ayoko lang i-post dahil baka may magreklamo na sa akin. ngyehehe. pero baka ipost ko rin in time.

    ingat!


  25. thank you eye. huwag na lang tie. iniisip ko kung mas may dating pag sinuot ko
    yung cape ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: