LAUGHING LIKE CHILDREN, LIVING LIKE LOVERS, ROLLING LIKE THUNDER UNDER THE COVERS

September 13, 2004

JAY AND JET'S WEEKEND SPECIAL IN BINTAN ISLAND, INDONESIA ngayon ang ikatlong anibersaryo ng blog ko. tatlong taon na pala. parang kailan lang ay para akong tatanga-tangang bagong salta rito sa singapore. ngayon ay umasenso na ako: tatanga-tanga na lang at hindi na bagong salta. sobra kasi ang lungkot ko during my first two months at sinimulan ko ang blog na ito para gawing outlet. bilang celebration (of sorts), nagpunta kami ni jet sa bintan island during the weekend. kasama namin sina leah at eder (maraming salamat sa inyo ulit. it was a special weekend). naku! napakasaya. dahil sikat sina leah sa bintan, kung ano anong mga upgrade ang nakuha namin. por eksampol, binigyan nila kami ng sariling three bedroom villa near the beach. at saka… ang daming itlog doon. prinito, nilaga at oo virginia – mayron ding may pulbos. naka dalawang sunny side ata ako at saka isang napakalaking omelette during breakfast. egg heaven, i tell you. CLICK HERE to view the web album. makikita ninyo ang utong ko sa mga litrato kaya huwag ninyo akong isumbong sa MMDA.

Advertisements

No Responses Yet to “LAUGHING LIKE CHILDREN, LIVING LIKE LOVERS, ROLLING LIKE THUNDER UNDER THE COVERS”

  1. bongk Says:

    ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang eh eto na, bagong milestone na naman sa buhay natin, pero looking back, masasabi mo ba jay na natupad ang mga mithiin mo sa pagpunta mo jan sa Singapore?

    nawa’y pagpalain pa kayo ni jet dyan sa SG

    magandang araw sa yo


  2. SALAMAT bossing BongK… ang aga mong nag comment. ang galing mo talaga sa timing.

  3. cathy Says:

    gusto ko yong pic na may agila. para bang nakadapo sa balikat ng kasama mo.
    buti di kayo inilipad.

  4. Jet Says:

    Happy Anniversary sa blog mo mylab. Thank you for sharing bits and pieces of yourself with us, and a lot of laughter besides.

    Salamat din for a great, great weekend!

    I love you. 🙂

  5. kat Says:

    happy anniversary sa blog mo!
    (cool pics by the way)

  6. delish Says:

    🙂

    happy anniv to your blog… and loved the title of your entry… i know you guys really laugh like children… i even think you also love like children 🙂


  7. hallo D’CaT!

    nilapitan ko nga yung agila. hinihintay ko at baka sakaling mangitlog. yung ganoon kalaking ibon, siguradong malaki ang itlog noon. siguro enough to satisfy the egg deprived singapore island.

    ngyahaha!


  8. hi kat.

    thank you. 3 years na pala. parang ang bilis. yup, jet and i had a weekend special in bintan island, indonesia. it’s a great place to relax. just 40 minutes by ferry from singapore and the prices are not that bad. this trip is one of the highlights of our 3 year stay here.

    ingat!


  9. mec!

    thank you sa bati. the title is a line from an old elton john song. buti na lang hindi laughing like horses ano? pero oo nga, bungisngis ako at booming naman ang tawa ni jet.


  10. HELLO MYLABOPMAYN!

    ang saya nga ng weekend natin. siguro one of the best since we’ve moved in singapore. enjoy talaga ako. buti na lang natuloy ito. salamat nga pala sa lahat ng preparations mo to make this trip possible. i really had a great time. salamat din kina leah at eder. great company as always.

    tenkyu nga pala sa bati. have a great day. labUtoo!

    jay

  11. JaH Says:

    Fafa Jay.. happy anniversary saiong blog!

    maraming salamat sa mga nakakatawang mga entries and pictures. sana’y wag kang magsawa!

    *hugs*


  12. thank you sa bati jah. musta na diyan sa toronto? marami pa ring canadians ano? buti naman natatawa ka sa mga entries. ang ganda ng topless kong photo ano?

    ingat.

  13. tanggero Says:

    happy 3rd anniversary! More patawa and more blessing! tagay mo bossing!


  14. salamat. masayahin naman akong tao kaya marami pa rin sigurong mga nakakatawang kwento.

  15. Sassy Says:

    At bilang anniversary gift ko sa pinaka-baliw na yata na pinoy blogger ay aayusin ko ang templates ko para mabasa mo lahat.

    At ito ay para sa inyo ni Jet–para magluto ka ulit sa weekend.

    yellow fin tuna fillets and mushrooms stir-fry


  16. thank you sa yellow fin tuna recipe. tamang tama at naka silip ako ng magagandang mga fresh mushrooms sa grocery last friday. makabili nito at mailuto. thank you rin po sa anniversary gift – pasensya ka na talaga at di ko mabasa ang form sa site mo dahil ako ay partially color blind.

    question para sa abugada: pwede bang gawing dahilan ang color blindness to get disability pay? balak ko kasing hingan ng early retirement pay ang kumpanya ko. hehe.

  17. tanya Says:

    congrats to your 3rd year in the blogging world! hehehehe! :-p wahooo!


  18. hi tanya… wahooo back to you-who! hehehe. salamat sa bati. musta ka na diyan?

  19. jessie Says:

    manong jay! happy anniversary sa iyong blog!!!! dami ka pinasaya dahil sa gulo ng mundo ngayon, kailangan tumawa minsan minsan. nakakagaan ng loob. mabuhay!

    p.s. mukhang tuloy trip ko to singapore mid-october. sana meet ko kayo ni jet. 🙂

  20. The Ca t Says:

    C,
    Ako may pag-asa pa ang pagkasira ko. Iwas mo lang ako sa mga retrato at naglalaro ang aking diwa.Si Jay ay natural …ang pagkasira. mwahahahaha

  21. AnP Says:

    wow sabay tayo! 4th wedding anniversary naman namin ni J ang 13 Sept.

    Happy Anniv!!!

  22. Renee Says:

    Hi Perskasin.

    I had to force myself to view your Bintan Island pics, sa sobrang inggit! Lorenzo and I had our “pre-honeymoon” at the Banyan Tree Resort there! When we go back, we’ll make sure to request the same cabana, #3, which was named “Gajah”.

    What Resort did you go to?

    Sama naman kami sa susunod!

    Renee


  23. jessie – long time no hear!

    maraming salamat sa bati mo. kailangan tumawa parati para kumonti ang mga pangit sa mundo. ngyehehe. kailang ang trip mo rito? vacation or business? kung matutuloy ka sa october – sana hindi during the week of october 16 to 24 – nasa new zealand kami ni jet during this time. pag malapit ka nang umalis – padalham mo ako ng email at ibibigay ko sa iyo ang mga numbers namin so you can call us and we can meet.

    ang trip mo ba rito ay business or pleasure?

    cheers!


  24. hello D’Cat – natural nga ang pagkasira ko: nung pinanganak nga ako, sinampal ng doctor yung mommy ko. hehe. parang si garry lising.


  25. WOW! happy anniversary sa inyo ni J. three years – that’s a milestone. four years na lang at seven year itch na. ngyehehe. seven year itch that came and went in our marriage at ok pa naman kami ngayon. i’m sure a lot has changed in your marriage now that you have JP. you probably give a lot more time to your son than to your husband at ganoon din siguro siya. and i hope that it strengthens your relationship even more. congratulations melissa.

  26. TitoBatJay Says:

    hey pinsang renee!

    ang gaganda ng mga swimming photos nina lance and troy sa site mo. inggit din ako. yeah i think i heard you talk about your bintan vacation kaya lalo lang kaming nag look forward sa trip namin last weekend. we really had a great time.

    ano na nga ba yung pangalan ng resort – “arwana beach club”, i think. it’s just after banyan tree. musta na lang sa mga bata at kay don lorenzo.

    cheers!
    jay

  27. Toni Says:

    I love the pics. Favorite ko yun pics ng mga fish. 🙂 Happy anniversary!

  28. Dr. Emer Says:

    Better late than never: Happy 3 years sa Kwentong Tambay!


  29. thanks toni.

    koi fishpond at the entrance of the resort. we were waiting for the bus ride to the boat terminal and we fed the fish to kill time.


  30. thank you doc. tatlong taon – ang tagal na pala. pretty soon, i will have enough material to make a book. hehehe.

  31. leah Says:

    arwana….hahaha!!!! parang aruwana, yung isda.

    N-I-R-W-A-N-A!! 😛


  32. sabi na nga ba may mali eh. hehehehehe…

    N-I-R-W-A-N-A NIRWANA!

    pasensya na’t napagbaligtad ko. special child kasi ako eh.

  33. justice Says:

    ako 6 months pa lang sa blogging…ikaw 3 years! congrats sa success ng blog na ito. cute ng phooto niyo ni jet.


  34. salamat sa bati bossing. cute ng photo kasi cute ang kinuhanan. hehe. huwag ka nang kokontra ha. hehehe.

  35. justice Says:

    di po kokontra sa ka-cute-an ninyo ha ha


  36. thank you. hehe. bawal kumontra dito sa site na ito.

  37. tin Says:

    kuya batjay! congratulations on your blog’s third anniversary! grabe, maabot ko kaya ang ganyang katagal ng blogging? hehe.

    mukhang enjoy nga kayo sa bintan. 🙂 regards to jet, too! 🙂


  38. hi tin. kamusta nang bakasyonista? ok ba sa california? ang sarap ano. mabilis namang tumakbo ang panahon. sino bang magaakala na 3 years na pala. ingat!

    jay

  39. tin Says:

    hehe, ok na ok. sarap rin talaga magbakasyon, walang iniintindi except yung next na papasyalan. 🙂

    oo nga, bilis talaga ng panahon, lipat na Christmas! 🙂 ingat din!


  40. wow! sarap buhay ni tintin. inggit ako. di bale malapit nang mag christmas break. makakapag bakasyon din kami ni jet sa pilipinas.

  41. edmund galera Says:

    apay awan ti ilokano?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: