WE ARE CRUISING FOR BRUISING MY BABY

September 5, 2004

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilib naman ako sa yo’t ang lupit mong mamisikleta. grabe, baka ma-dethrone mo si lance armstrong niyan.

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, si lance ba yung kapatid ni steve na leader ng voltes V? MWA-HAW-HAW (TV corny joke canned laughter). di naman siguro lance armstrong. ikaw naman gentle reader. muntik na nga akong mahimatay doon sa taas ng flyover dahil sa sobrang tarik ng pagakyat, puro ka pa diyan lance armstrong. pero sa tutuo lang, ngayon ko lang na appreciate ang mga nagawa ni lance armstrong sa tour de france. kaya pala nabighani si sheryl crow sa kanya kahit isa na lang ang betlog niya. ang galing ni lance to get over cancer like he did. meyknomisteyk, idol ko siya.

last night nga pala, was another unforgettable biking experience for me. yung pagbisikleta namin ay mas malayo kaysa last week. nagpunta kami sa seletar airport via the exciting and vibrant jalan kayu eating places. halos 48 kilometers back and forth from pasir ris where we live. kaunti lang kami kagabi – 7 and 1/2 men. ang ibig kong sabihn ay pitong lalaki at isang tibo. lahat ay intsik except for one cute pinoy. mwahaha. di na rin ako saling meow like i was last week. hekshuli, this week i had an important role to play: naging baby sitter ako sa isang overweight biker na akala ko aatakihin sa puso. kaya all night, binantayan ko siya ng maigi. siguro dahil alam ko nang mag pace, or perhaps i was more in shape (naghanda kasi ako the whole week prior to last night) – i was less tired than i was during my first ride. this was a good thing, dahil it was another great night. wooded ang area na yon na pinuntahan namin, at amoy na amoy ko ang mga bulaklak at halamanan along the way. nakarating nga ako sa bahay, mga 3 am na. kulang kulang na 5 masayang oras din akong on the road.

Advertisements

No Responses Yet to “WE ARE CRUISING FOR BRUISING MY BABY”

  1. rolly Says:

    Bosing, ang tindi mo. Second day mo pa lang, ikaw na nag-aalalay. Talagang you’re back in shape. I’m glad to know that. Susubukan mo bang mag-bike sa Antipolo? Mas hilly yata dun di ba? Mas mahirap kaya o pareho lang?


  2. mas mahirap mag bike sa antipolo tito rolly. mas mataas kasi doon sa amin. tapos delikado pa dahil sa mga sasakyan at sa di magandang kalye. pero, gusto ko pa rin subukan gamit ang bisikleta ko rito. perhaps one day.

    di pa ako fully in shape. i am still over weight and need to shed some more pounds. pero i’ve made a lot of progress as far as my lifestyle is concerned. it should only be a metter of time. i cross my fingers (and my legs just to make sure. hehe) – sana tuloy tuloy na ito.

    i’ve found out na sobrang hirap to get back in shape when you’re 38 years old.

  3. regina Says:

    Hi, Jay!!!

    Thanks sa pag-post ng pics ng mabilis. Sana si Leah ganyan din! 😀

    I screened your comment kasi baka kung sino mag-click nung mga pictures, hehehe! Hanep ha, kuhang-kuha yung moment nung pagtulak sa akin ni Eder, para talagang may demonyo don sa likod ko HAHAH! (JOKE LANG, SIR, BAKA SAKALING MABASA!)


  4. hi donya regina.

    bakit dito ka nagpost ng comment eh tungkol sa pagbibisikleta ito? MWAHAHA! ang taray mo nga kay eder eh.

    mabilis talaga akong magpost – mabilis pa sa alas kuwatro.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: