Will you find a reason to see what I have today

August 22, 2004

BIKER DUDE! ok ang sunday namin ni jet. maaga akong nagising at diretso akong nag bike sa beach. maganda ang panahon kanina. mahangin at di masyading mainit. pagdating sa bahay, nagluto ako ng brunch namin. siyempre, kumakanta ako habang nagluluto. yan nga pala ang dahilan kung bakit maamo sa akin ang mga kumakain ng luto ko. tumatalsik kasi ang laway ko sa pagkain eh. hehehe. simple lang muna ngayong lunch – salmon with olive oil at ginisang toge. mamayang dinner ang medyo challenging: magluluto kasi ako ng beef stew. upgraded na ang skill set ko at graduate na ako sa stir fry. di na nga ako makapaghintay. sa sobrang excitement ko nga, parang gusto ko na namang mautot.

ang maganda pang nangyari ay sa sobrang ganda ng araw na ito (so far), biglang na inspire na mag blog ulit ang aking mylabopmayn kaya na break tuloy ang kayang hayatus. puntahan ninyo sa “My Life… A Cup of Deja Brew”

“kung umutot ako sa forest and there’s nobody there, will it make a sound? hehe. will it make a smell?” fart of my meditation shit kasi maganda ang weekend namin.

Advertisements

No Responses Yet to “Will you find a reason to see what I have today”

  1. tin Says:

    kapag successful ka sa beef stew mo let us know ha? para matry ko rin. hehe 😀 dream kong iluto next is beef caldereta! yummm!

  2. Het Says:

    Thank you mylab. Ganda nga ng bati saten ng umaga ngayon ano? Parang hindi Lunes bukas… hehe. It’s the kind of morning I’m grateful to have someone to share it with… kinda makes it more special.

    Sarapan mo luto mo ng beef stew ha. Pag successful, imbitahin natin sila Tin and Leah next weekend para masampolan nila.

    Labyu… just because your here… today.

  3. rolly Says:

    Does that mean madadagdagan ang pulutan natin nila Doc Emer pag nagkita-kita tayo sa bahay mo? Aba, wag mong damihan ang putahe at baka sa ospital tayo pulutin. Remember, barkada tayo ng matataas ang blood sugar. hehehe

  4. ate sienna Says:

    mornings like these warm the heart… makes you think back to mornings of your youth when you had no care in the world 🙂


  5. hi tin.

    pag nagdinner kayo sa bahay namin, ipagluluto namin kayo ni jet. adobo na lang o kaya sinigang na baboy. sarap!


  6. tito rolly.

    oo ba. actually masarap itong pulutan lalo na pag mas maanghang at medyo malapot ang sauce.

    yummy!


  7. NINAAAAAAAAAAAAANG!

    tutuo nga ang sinabi mo. pakiramdam ko parang isang weekend during the 1970’s when life was great dahil sagot tayo nina mommy at daddy. at iba pa ang hitsura ng maynila.


  8. hello mylabopmayn.

    oo nga mylab. sana parating sunday morning. ang sarap nga ng umaga kahapon. next sunday ulit. hehe. lab U! nasarap ka ba sa beef stew? baka di mo nagustuhan dahil sobrang anghang.

    in any case, marami ka namang nakain at mabilis ang kain mo kaya masarap nga siguro. hehe.

  9. Justice Says:

    Masarap ang gising, maganda ang araw kaya “Hapeeng-Hapee ang feeling!”…


  10. hi justice.

    kahapon din masaya ang gising ko kasi kakatapos lang ng major workout doon sa bike trip na pagkahaba.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: