AS DECEITFUL AS A DAMAGED CONDOM

August 18, 2004

people watching is a great thing to do pag commuter ka ng train na tulad namin. kailangan aliwin mo kasi ang sarili mo sa mahabang byahe. minsan, hindi sapat ang iPOD, book or newspaper. ang ginagawa ko nga lately ay tumingin sa mga kasama ko sa train and then make up stories about them to pass away the time. por eksampol: yung ale na mahaba ang baba, siguro magaling mag tiklop ng kumot. yung mama na may laugh lines malamang ay bungisngis. yung matabang ale, siguro only child na lumaki sa lola niya kaya spoiled at iniwan sa kusina. yung matangkad na babae, siguro walang boypren kasi ayaw ng mga singaporean na lalaki ang mas matangkad ang mga girlfriend nila. sayang, baka tumanda siyang dalaga at tuluyan nang magsara ang kanyang pekpek. hehe. ay sorry, ang bastos ko talaga. bigla ko tuloy naalala yung paboritong story ng boss ko tungkol sa contraception sa singapore…

ang ginagawa raw ng singaporean, para siguradong hindi accidentally mabubuntis ay magsuot ng 2 condom during sex. ganito raw ang procedure: isuot ang inner condom tapos pahiran ito ng efficacent oil. after that, ipasok na ang outer condom at ready ka na for sex. pag biglang sumigaw ng “aaaaah” ang lalaki during sex, ibig sabihin, may butas ang inner condom. pag yung babae ang napasigaw ng “aaaah”, yung outer condom ang may butas. in both cases daw, may early warning system that works. asan na ba ako. ah yes, making up stories about people while on the train.

maraming material para mag imbento ng mga mandandang storya dahil libo-libo ang mga pasahero sa train. and every face tells a story. i especially like the elderly and can probably tell from the lines in their faces if they’ve lived a life of toil or a life of liesure. pero kaninang umaga ay nahinto ang mga story telling ko. na double whammy kasi ako sa train. una, umutot ang katabi kong lolo at kulang na lang maging lason. takipan nga ng ilong ang mga pasahero pero si lolo eh dedma lang at patuloy ang malayong pagtingin. after a few minutes yung katabi ko naman nadighay. yung hininga niya ay amoy asong hindi pinaliguan. ang hirap talaga ng tumigil sa paninigarillo, sobrang heightened ang sense of smell. ang malas ko naman talaga sa mga ganitong tao. kungdi amoy kulob ang damit ay much worse: may anghit o kaya nangungulangot.

Advertisements

No Responses Yet to “AS DECEITFUL AS A DAMAGED CONDOM”

  1. delish Says:

    yung pag-utot and dighay… kahit feel ko lang medyo kadire… eh ok pang patawarin kasi nde naman pede basta pigilan yun (unless tulad ka nung ka-mountaineer ko who can fart at will… with this wet sound pa.. euuh)

    pero picking your nose…. naman naman… 😦

    yung anghit naman… minsan feel ko dictated by one’s country eh… coz the Indians don’t seem bothered by it… tayo lang naman ang super mina-migraine pag nakakaamoy ng ganun eh

    magbitbit ka kaya ng durian lagi, lalo na sa commuter trains? ahehehe

  2. Jet Says:

    Bawal ang durian sa trains Mec. S$1000 ang fine.


  3. tenkyuberimats mylabopmayn for being my resource. naka pahinga ka na ba? lab U!

  4. rolly Says:

    Mahirap nga yang ganyang situation lalo na pag nasa kulob na lugar ka. Tapos, mahiyain ka pang magparamdam ng displeasure sa iba kasi prim and proper ka.

    Pwede ba kong mag-share din ng experience? Okay, la ka namang magagawa pag ikinwento ko e. Nung college pa ko, may kaklase kami na bad breath. Minsan, yung isang kaklase naming bading,di na makatiis sa amoy kasi kung magkwento ba naman itong si bad breath, malapit sa mukha. Sabi ni badint, “Ay naku, pwede ba, umutot ka na lang!” Ang lupit ano?

  5. atinna Says:

    konnichiwa batjay san!

    kung may talent ka sa dessin (o kahit wala)maybe you should face-sketch or depict them in caricature, especially the ones w/ interesting facial features. tapos you collect them and maybe exhibit them someday. nakakasawa rin talaga minsan iPod at pangungulangot sa train eh. dala ka lang ng mini sketch pad lagi sa bag mo then you conceal them in a newspaper para di obvious pag nagdo-drawing ka na. that’s what i do here in tokyo pag mahaba biyahe at pagod na ko sa day- dreaming at pangungulangot. salamat nga pala sa email. and, no, di ko kamag-anak si da king.


  6. “umutot ka na lang” – BWAHAHAHAHAHAHAHA! ayos Tito Rolly. natawa ako roon.

  7. joan Says:

    naka relate ako dyan!! dito ksi galit ata sa tubig ang mga tao, di sanay magshower everyday. buti sana kung lging winter! gaya ngayon summer kadiri ang amoy sa tram!!! minsan guto kong abutan ng deodorant!


  8. domo arigatu gusaimasu atinna san.

    wala akong talent sa sketching dahil hirap akong mag drawing ng mukha ng tao. pero magaling akong mag doodle kaya puro doodle ang mga notebook ko. one day i will create a website na puro doodle from a lifetime of notebooks.

    mas mahaba ang byahe ng mga train sa tokyo. at mas puno. medyo nakakalito rin ang train system diyan pag bago ka. but overall, i love the tokyo train system. especially during the winter time. mas romantic. ewan ko kung bakit.


  9. hi joan.

    kaya nga nag imbento ng mga magagandang pabango ang mga french. they invented that for a very good reason. now you know.

  10. bongk Says:

    last last week, lunes na lunes, umagang umaga pag aantay ko sa bus papasok sa work may nakasabay akong mama na hikab ng hikab, nung palingon ko sa padating na bus biglang bumuga ng hininga, putik ang baho ng hininga nalunok ko ata, sinikmura ako!!

    bakit ba kase may mga taong hindi sensitive sa sarili nilang amoy juskopo!

    watching people’s faces is my usual past time at the mall or MRT station, nakakaaliw, madami kang magugunita sa sarili mong buhay..


  11. hey bongk.

    “watching people’s faces is my usual past time at the mall or MRT station” – AMEN ako diyan.

    ingat bossing.

  12. mari Says:

    natawa ako dun ah. salamat sa laugh trip.


  13. no worries mari. ingat sa pag uwi.

  14. auee Says:

    masyado namang desperate measure yang efficascent na yan… mag-injectables na lang


  15. naku lagot di ko alam. ano ba yung injectable? injectable condom?

  16. auee Says:

    Injectable is effective for 3 months. Most common is the depo-provera…

    No pill-popping, no “kapote”. You only need to remember the next shot is due in 3 months!


  17. ah ok. thanks for the info auee. btw, what is kapote? hehe.

  18. celia kusinera Says:

    ‘Kapote’ yan ang tawag sa raincoat di ba auee?

    Pero Batjay ingat sa pag people watching. Ako nung HS sa Pinas ay mahilig mag people watch sa jeep. Minsan ang nakatapat ko ay mamang may “twitch” sa mukha. Yun bang bigla na lang ngumingiwi at nagugusot ang mukha. Sumakay ako sa Bicutan by the time na nasa may Nichols kami eh may twitch na rin ako! Hahaha! Nahawa sa kakapanood sa mama! Sa inis niya bumama sa Bangkal ng di oras.


  19. hehehe… aling celia kusinera! salamat sa iyong muling pagbabalik at pag comment.

    natawa ako sa twitch story mo. may ganoon ding eksena sa isang pelikula ni vic sotto. pero tama ka, nakakahawa nga yon. nung bata kami, mayron akong kalaro na may twitch. ang tawag namin sa kanya ay: “KYD” – kindat, yuko, dura. yon kasi ang parati niyang ginagawa. nakaka hilo nga siyang pagmasdan.

  20. auee Says:

    aba mga kabayan, kapote ang tagalog ng “raincoat” hihi

    dito sa London in 2001, may gov’t ad about safe sex and they have the condom wearing raincoats for “rainy days” hehehe

    they still have them on posters

  21. Ting Aling Says:

    Jay, relate ako diyan, ano reaction mo kung yung intsik na katabi mo magtatakip ng isang butas ng ilong at sabay palabas ng hangin sa isa namang butas..eh, biglang may lumipad na malapatak ng ulan sa iyong mukha, o sige sa braso na lang galing sa isang butas ng ilong niya..ano reaction mo??? grooossss!!!!!


  22. hehehe… thank you sa clarification auee, ang pangalang puro vowel.

    naalala ko nga ang tambay slang word sa condom ay either “supot” o kaya “kapote”. dito sa singapore, maraming specialty condom stores. di ko alam kung bakit. siguro may fetish ang mga taga rito sa rubber.


  23. hi ting-a-ling. baka mapa away ako ng wala sa oras kung matalsikan ako. pero sanay na ako sa pangungulangot sa harap ko.

  24. mari Says:

    o/t fafa jay, help me. nawala color ng site ko. waaaaaahhhhhhhh!

  25. mari Says:

    regarding pala sa topic, pinuntahan ko yung sinasabi mong shop there. house of condoms yata ang pangalan nun sa may lucky plaza. wala lang, just out of curiousity, gusto ko makita tinda nila hahaha! medyo nahiya pa kami kasi puro kami girls nung pumasok kami sa shop.

  26. techguy Says:

    Jay, sabi nga noong kaibigang kong seminarista, ang pills lang daw na ina-allow ng roma ay sleeping pills, hehehe tama iyang sleeping pills na lang ang ibigay sa pinoy para wala nang sex at puro tulog na lang….hehehe

    Joan, sa paris metro ….nga maaamoy mo puro pabango lang ang mga frances (no offense sa mga apo ni marie antoniette) at sa iniipit pa nila ang tinapay sa pagitan ng kilikili bago kainin…hehehe


  27. kamusta techguy. welcome back.

    sleeping pills lang ba? kaya siguro panay ang mga wet dreams ng mga seminarista at pari. mahirap para sa mga naglalaba ng mga pangtulog nila at possibly pati na rin ang mga bed sheet.


  28. hi mari.

    napuntahan mo rin pala ang house of condoms sa singapore. most pinoys know about this dahil this is in one of the stalls of lucky plaza, ang main tambaan at bilihan ng mga supplies ng mga pinoy rito sa singapore.

    nadaanan natin ito nung nag dinner tayo nina jet.

  29. delish Says:

    mama jet, ok bawal magdala ng durian…

    eh pano kung ikaw mismo amoy durian? pa-fine-an ka rin ba nila??? 😀

    nung bata-bata pa ako… merong lalaki samin na niregaluhan yung kakumpitensya ko sa mga lalaki… ng sabon and tawas (yung bato pa, nde yung pulbos na)… kasi kilala yung girl na may B.O.

    coll no? ahihi

  30. jennie Says:

    ay josme. naalala ko tuloy nung college pag nagko-commute ako pauwi. since konting lakad lang vito cruz station na ng LRT dun ako sumasakay. pag minalas-malas at inabot ako ng 5 pm, sobrang sikip na at wala nang choice kungdi mag-antay ng matagal sa station o makisiksik at tiisin ang pinaghalong anghit, amoy-pawis, pabango at kung ano-ano pa. nyiii! pagdating sa baclaran station, mukha na akong hilong talilong :p


  31. uy sa vito cruz ka pala nanggagaling jennie.

    lasalista ka ba o taga st. scho? malapit ang puso ko sa mga taga st. scho kasi dyan nagaral ang mga pamangkin ko at saka mga radical ang mga madre.


  32. hi mec.

    bakit aba puro durian nasa isip mo?

    hehehe. ingat!

  33. viajero Says:

    ako ang isang nagagawa ko sa loob ng public bus at magbuo ng salita sa mga plaka ng kotse. bawa : pmn509,(malamang Pamana ng magulang ang kakarag karag na tsikot); or wru123 (kotseng naliligaw); or wan234 (uy,magaling magbilang, o di kaya’y mahilig manloko tong mayari ng kotseng to)

    yun lang… ako walang oras mag IBM (Ipon, Book at Magazine), panay text na lang….

  34. batjay Says:

    hey viajero.

    thanks for dropping by. i loved your site. great pics. sa sobrang dami ng byahe mo, siguro marami ka nang naimbentong mga plate numbers.

  35. viajero Says:

    bj, pwede ka bang tawaging bj? wala akong iniimbentong plate numbers, nagbabasa ng plate numbers….

    salamat…sa europa, walang kuwenta, puro numero at walang letra, kung meron man iisa. dito sa pinas at least 3! meron pa ngang 5, yung mga bumibili ng vanity plates.


  36. tawagin mo na lang akong “blowjob” para walang ambiguity at subtleties. hehehe.

  37. jennie Says:

    st. scho from prep to hs, la salle nung college 🙂 baka nga nagpang-abot pa kami ng mga pamangkin mo. aliw!


  38. malamang dahil apat sila sa st. scho at i am almost sure na nag abot kayo doon at one point

  39. din2 Says:

    grabe pareng jay (ayan close na tayo),

    naloka ako sa kakatawa!!! as in this topic always makes people laugh… makuwento nga yang condom story sa aking mga badminton friends…

    oo nga pala… OUCH na OUCH yan… parang cooling gel na ipinahid ko sa likod ng asawa ko kagabi… eweeeeee!


  40. i read about your cooling gel story. nakakatawa nga. buti, hindi nag burn ang skin ng husband mo. it reminds me of my last barbershop visit sa pilipinas last june. i had a haircut and shave. ginagamit nila yang cooling gel sa pag massage ng mukha doon sa barbershop sa antipolo, pagkatapos mag-ahit.

    dito kasi sa singapore, simple lang ang gupit. hindi kasing puno ng flair at drama ng pinoy na barber. ie walang massage, cooling gel, hair tonic, shampoo at kung ano ano pang landi. which is why i make sure i treat myself to a proper pinoy barber service when i’m in manila.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: