PLEASE ALLOW ME TO INTRODUCE MYSELF: I'M A MAN OF WEALTH AND TASTE

August 9, 2004

TOM CRUISE AND JAMIE FOXX, COLLATERAL AUGUST 9, 2004: importante ang araw na ito para sa lahat ng mga singaporeans. ngayon kasi ang opening night ng singapore idol! bwahaha. AKSHULI, ang tutuong dahilan kung bakit importante eh dahil ngayon din kasi ang national day ng singapore. wala kasi silang history ng pag aaklas from a foreign power kaya “national day” at hindi “independence day” tulad ng sa atin. matanda lang pala ang singapore sa akin ng mahigit apat na buwan. 39 years na siya today. magaling talaga ang mga pinanganak ng 1965 (year op da snik): tulad ko, mga over achieving prick. well, more like laid back over achieving prick. meron bang ganoon?

take note on the title op da show: “singapore idol”. hindi “singaporEAN idol”. apparently aminado ang mga producers dito na walang masyadong substance singing talent sa singapore at ang contest actually ay open para sa lahat (ie kahit hindi singaporean ay pwedeng sumali). gusto ko nga sanang mag join as “batjay, elvis ng quiapo”. sigurado makakapasok ako dahil based on today’s results – kahit siguro yung mga kabayan kong contestant sa “talipapa idol” (ito yung amateur singing contest pag fiesta sa bayan namin sa novaliches) ay kayang talunin ang local talent dito sa singapore.

at dahil long weekend ngayon dito sa singapore dahil sa national day, nanood kami kahapon nina jet ng “collateral“, ang latest ni tom cruise at ni jamie foxx. kasama namin si sara, ang pamangkin kong abugada. she is taking a post graduate course on international law sa NUS and will be here for a year.

i must say, i was impressed with this movie. ang galing ng pagkagawa ni michael mann ng pelikulang ito. eto rin siguro ang first real venture ni tom cruise as a contrabida, and i must say (AGAIN), i liked what i saw. in fact, masasabi ko ngayon na ito ang aking favorite na tom cruise movie. demonyito talaga ako – kahit bad boy si cruise eh kampi ako sa kanya. hehehe. sympathy for the devil. kung manonood kayo ng pelikula ngayong week, make sure to check this out. it really is a great movie. it’s different and it rocks.

ang pelikulang ito ay tungkol sa isang negosyanteng intsik (si tom cruise) na gustong mangutang sa bangko kaya lang wala siyang mga assets na pwedeng gawing collateral kaya ang ginawa niya ay nang hold-up siya ng mga sanglaan sa binondo. dito niya nakilala ang isang taxi tricycle driver (si jamie foxx) na tumulong sa kanya sa pagnanakaw. hehehe… hindi biro lang, imbento ko lang ang summary na ito. panoorin nyo na lang kasi yung pelikula – maganda talaga. mamamatay silang lahat sa ending! BWAHAHAHAHA.

Advertisements

No Responses Yet to “PLEASE ALLOW ME TO INTRODUCE MYSELF: I'M A MAN OF WEALTH AND TASTE”

  1. pbw Says:

    waw shyet beri pers commentssss. yey! hihih. gwapo ni tom cruise. yummy!

  2. rolly Says:

    Si tom cruise ba yung Singapore idol? Aba, kaya pala sikat ka dyan.


  3. hi PBW – maraming salamat sa bisita. thank you, gwapo talaga ang kuya tom ko.

    tito rolly – aga mo ah. di pa tapos ang entry na ito. work in progress ika nga. di ko alam kung paano pag dugtungin ang “collateral” ni tom cruise with the national day of singapore. hehehe.

  4. ate sienna Says:

    so true… year of the snake – laid back over-achieving pricks! hehehe.. tayo yun!

  5. Justice Says:

    takot ako sa ahas…naku! pano yan, whenever I see you tatakbo na lang ako ha? LOL
    on the serious side, ka-gwaping namang idol yan.

  6. pbw Says:

    sir batjay, may tanong lang ako. naisip ko lang ah…ayaw mo bang maglagay ng tagboard. di naman sa nakekealam. pero parang ganon na nga. hheheheh.


  7. hi…ive been reading your blogs for quite a while now and it never failed to impress me…the way to describe things, your life there in SG always make me feel good….it always tells me that there is more to life….keep on blogging.

    nga pala, ill link you sa blogsite ko ha…

    thanks a lot!

  8. bongk Says:

    ako aabangan kong ipalabas ang ang “The Village” ni M. Night Shyamalan. Nagustuhan ko pag-gawa nya sa The Sixth Sense and The Signs. kaya lang sa “Unbreakable” naman medyo naghikab-hikab ako sa panonood. Astig tong si Shyamalan, kakainis, lagi ko tuloy napapanood mga movies nya nyari!

  9. bongk Says:

    ako aabangan kong ipalabas ang ang “The Village” ni M. Night Shyamalan. Nagustuhan ko pag-gawa nya sa The Sixth Sense and The Signs. kaya lang sa “Unbreakable” naman medyo naghikab-hikab ako sa panonood. Astig tong si Shyamalan, kakainis, lagi ko tuloy napapanood mga movies nya nyari!

    Nakapila sa listahan namin ang Collateral, ok kaya ang kuya Tom na kontrabida?

  10. tin Says:

    sige na nga, we’ll watch Collateral na rin. i told R na parang ayaw ko ng movie dahil kay tom cruise. his facial expressions and acting in almost all his movies are THE SAME, at least for me. sana na lang ay madala ng magandang plot ang acting nya. 😉

    btw, i indulged myself in watching the singapore idol last night. ang saya! tawa ako ng tawa! maganda itong comic relief, really! 🙂

  11. Sassy Says:

    Binabasa ko ‘yung summary mo sa pinoyblog.com at sobrang concentrated ako sa “plot” ng Collateral, eh, muntik ko nang mainom ang ash tray ko. Langhiya, fake pala. Bakit ba naman kasi ako naniwala kahit a few seconds…

  12. Jet Says:

    Bwahahaha!!! Langhiya naman Sassy… binabasa ko comment mo e nasamid naman ako sa iniinom kong juice!

  13. delish Says:

    ahihi, tell us if it’s any good ha? maya watch ako ng ETERNAL SUNSHINE eh…


  14. NINAAAAAAAAAAAAAAANG!

    pareho nga pala tayong year of the snake ano? yehey talaga. tama ka, mga snake baby eh mga magaganda pa at guwaping.

    nakakatawa, sa barkada ko sa pilipinas – dahil classmates kami since kinder at batchmates, pare pareho ang mga year of birth namin: 1965.

    buwan lang ang pagitan namin sa isa’t isa. mayron pa nga sabay na pinanganak. magkaiba nga lang ang nanay. hehe.


  15. naku justice – parehong pareho kayo ni jet na may phobia sa snakes.


  16. hi again, PBW.

    mayron ako dating tagboard kaya lang tinaggal ko dahil pag down siya ay bumabagal ang pagbukas ng site ko. tapos minsan ay may mga bastos na gusto agad na automatic friendship at kung ano ano ang nilalagay na kabastusan – di ko naman sila kakilala.

    bakit mo nga pala naitanong?


  17. hi thinking_aloud.

    thanks for your comment. messages like these make me want to write about my experiences even more.

    sige, i will link you as well today and visit your site tonight.

    cheers!


  18. hi bongk.

    gusto ko rin sana yung “the village” kaya lang ayaw ng mga kasama ko’t matatakutin. kaya collateral na lang para puro PATAYAN!


  19. hi tin.

    oo nga naintindihan ko yung sinasabi mo na one dimentional na acting ng mga ibang hollywood actors – si richard gere ay ganyan. predictable lalo na sa mga facial expressions kahit anong pelikula. si tom cruise din in a way ay ganyan. pero try this movie. it is different from all his other work kaya ito ang pabirito ko.

    ang gagaling nga mga contestant ng singapore idol ano? bukas ulit.


  20. eh ate sassy.

    huwag mo namang lulunin ang ash tray. bad yon. isa pa, baka mapakla yung lasa dahil sa abo. aha – smoker ka rin ano? isusumbong kita kay doc emer.


  21. hi mec. maganda nga yung collateral. yung “eternal sunshine” ni jim carrey, di pa namin napapanood. siguro sa DVD na lang. tapos na rito eh.

    yung “you are my sunshine” naman, kaya ko sa gitara! hehe.

    ingat diyan at musta sa iyong one and only.


  22. hehehe… hello mylabopmayn!!!

    ingat ka lang sa pag inom mylab. huwag kang magbabasa ng mga comment pag umiinom ka ng juice.

    ingat/labU!
    jay

  23. Sassy Says:

    Jet, kasalanan ni Batjay ‘yan. Buhusan mo ng juice. hahahaha


  24. BASTA sigurado lang na dapat fruit and vegetable juice o kaya oolong tea para masarap.

  25. Twinks Says:

    I’m new to this site, just browsing around


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: