ROUND LIKE A CIRCLE IN A SPIRAL, LIKE A WHEEL WITHIN A WHEEL

July 2, 2004

binibilog bilog,
tingin sa daliri
binibilog bilog
punas sa t-shirt
binibilog bilog
subo sa bibig

paglalarawan ng kaharap ko sa train kaninang umaga. isang pasaherong walang patid na nangungulangot simula pagsakay hanggang pagbaba. gusto kong kutusan ang kupal na iyon dahil muntik na akong maduwal. naalala ko tuloy yung linya ng isang paboritong pink floyd song… “ticking away the moments that make up a dull day, you fritter and waste the hours in an offhand way“. that’s exactly what the kulangot guy was doing.

Advertisements

No Responses Yet to “ROUND LIKE A CIRCLE IN A SPIRAL, LIKE A WHEEL WITHIN A WHEEL”

  1. rolly Says:

    Isinubo???? Eew. KADIRI!

    Naisip ko lang. Ang hirap sigurong kalaro yang mga yan sa mah jongg ano? Kungsabagay, madaling magtayo ng 16 na tiles dahil dikit dikit na sila. On second thought, pano mo namang sasalatin ang bunot. You don’t know what lurks underneath. Ay ewan!


  2. ngyehehe… kaya nga minsan, medyo nagdadalawang isip pag kailangan makipag shake hands dito eh. mwahahaha.

    napanood mo ba yung pelikulang “mall rats”? hobby ng bida roon na makipag shake hands after ipasok ang daliri nya sa pwet. hehe. i-rent mo sa video, doon unang nakilala sina “jay at silent bob”.

  3. mari Says:

    yuuucckk! bakit ba ang daming nangungulangot dyan in public? bakit nung andyan ako wala akong nakita? hahahaha!

    ano nationality nun?


  4. intsik, malay, bumbay… pare pareho lang silang nangungulangot in public. accepted public behavior siguro. pareho ng mga umiihi sa pader sa pilipinas. ewan ko ba. hehe.

    minsan gusto ko ngang sabihan na kutsarahin na lang at baka mapanis. kaya lang mawawala lang sa translation yung joke. paano mo sasabihin sa english ito:

    “hey use a spoon because your booger might get spoiled”

    mas nakakatawa sa tagalog.

  5. miel Says:

    dapat i-tie up na lang ang activity na ito sa creativity para may purpose–halimbawa, gawing sculpture yong kulangot instead of a boring bola-bola, right,Jay? we can have a replica of the singapore skyline made out of fresh green kulangot–hindi mangitim-ngitim katulad sa atin dahil sa pollution, or a sculptured bust of yourself–ang downside lang is kung monumento ang gagawin mo–kailangan mo ng sangkaterbang…ewwwwww!


  6. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH! ewwww, talaga. hehe. musta nang bagong cartoon boss dengcoy? ibang klase talaga pag umandar yang creative mind mo.

    naalala mo yung kwento ng lalaking sumundo sa late niyang girlfriend? para matanggal ang inip ay nagsimula siyang mangulangot.

    after 1 hour, dumating ang girlfriend niya at nagtanong: “kanina ka pa naghihintay, honey?”

    “hindi naman”, ang sagot ng lalaki na kasing laki na ng basketball yung kulangot na binibilog niya.

    mas maganda sana itong ikuwento pag in person para may action. hehe.

  7. Sassy Says:

    Nung araw, asawa ko tinuturuan mangulangot mga anak namin para daw di maligawan paglaki…pati yung pagbibilog. Pero walang subo; pagkabilog, pitik.


  8. hmmm…. magandang idea iyan ate sassy. maituro nga sa pamangkin kong si tj.

    mayron bang special moves na itinuro ang asawa mo? i.e. ibang klasing pag pitik, consistency ng pagbilog, etc.

  9. nakikibasalang Says:

    buti nga kulangot lang… may isang time na yung kaharap ko sa escalator (pababa) paglabas ng daliri nya, malagkit na snot! ang tindi pa pinunas sa handrail ng escalator! putsa talaga! hanggang ngayon hindi ako humahawak sa handrail ng escalator, kahit pa mahulog ako! i’m forever scarred…


  10. hehehe… parang yung nasa newspaper dito sa singapore nung isang araw. ito true story, peksman.

    sa letter to the editor: isang babae ang nagreklamo nang matuluan siya ng sipon galing sa isang katabi niya sa train na nangungulangot. hehehe.

  11. jennie Says:

    nyarks! kung nakasabay ko siguro ynug taong yun, kitang-kita nya sa mukha ko na kinikilabutan ako sa gaingawa nya. maririnig din nya ang pagsigaw ko ng “yuck!” pag sinubo nya. ahahahaha! ang tanong eh magets kaya nya? :p

  12. Lynne Says:

    Ikaw naman gawain mo rin yon sa office e, sa ilalim ng table mo nga lang pinapahid, yak! kadiri! Joke lang! Regards to Jet, Ingat kayong dalawa palagi! Sa house nga pala ako, Pasig Day ngayon!

  13. CG Says:

    batjay — yuck, kadiri, ewwwwwwwww! uy balita ko kay mareng jet eh punta raw kayo dito sa NZ late this year — kelan? saang parte?

  14. paperback Says:

    ewww…shit naman yon. ambaboy! dapat sinunggaban mo! Tapos, sinuntok, tapos, inapakan, tapos kinuha mo yung kamay tapos, SINUBO MO RIN! Hihih. Joke lang po sir batjay. 🙂

  15. miel Says:

    dear Jay, akala ko tapos na ang kulangot story–anyway eto ang addendum ko jan–di ba dalawa butas ng ilong natin? ang pangungulangot ay may yin at yang din hence the dalawang butas ng ilong natin. hehehe!
    ang female principle or yin stands for earth,moon,darkness,etc. while the yang is heaven,sun,light,,etc.—so malalaman mo kung ang isang tao ay Yin o Yang sa preferred
    nostril na ina-abuse nya. kung simultaneous ang pag-i-spelunking ng nose nya–siya ay isang balance individual and a rare one. PS: oo narinig ko yata yong ibinibilot na kulangot story.nyahehehe! regarding cartoon ideas,maraming pwede kong i-explore pero hindi ko pa pwedeng pag-usapan ang kulangotan sa strip ko-hehehe. sarap sanang idrowing ito–at may iniisip pa akong idea on stealth kulangot or how to camouflage the act of probing the proboscis,Nay!

  16. tin Says:

    isa lang yan sa mga kahindik-hindik na habits nila, di ba batjay? isama mo na ang pagdampot ng nahulog na pagkain sa lamesa sabay subo at ang pagbaba ng chopsticks sa maduming lamesa sabay pulot at subo ulit.. haay, talagang di tayo masasanay sa style ng mga yan.. hehe.

  17. Jet Says:

    Mylab naman, pati pangungulangot ng may kulangot pinagdidiskitahan mo.


  18. hi jenny. hehe… hindi naman parateng may nangungulangot. pero pag mayron naman eh talagang malala. ingat, jay

    ikaw naman pag nangulangot pasok ang buong daliri! hehehe. musta ka na lynne? pasig day ba last week, ang sarap nyo naman.

    hi cg. di pa sigurado ang trip sa NZ. pero kanina nakikinig ako sa usapan ng mga bossing dito. aukland ata or wellington.

  19. missP Says:

    good afternoon po, idol Batjay, masasabi ko lang, sana nilapitan mo at sabay sabi, (with matching smile na pang asar!):

    “Di mo ba ma kontak? try again na lang later. nakaka suka ka nang pagmasdan, eh.” (“%§$&/&%”).

    gross!!!
    dito naman: acceptable ang suminga sa harap ng maraming tao. kahit sa harap ng kainan. kesehodang lumabas na ang baga mo, hala sige, bira sa pagsinga at dead-ma lang sila! pero, bawal ang dumighay! hay, buhay!!!

  20. Justice Says:

    Ano ba ito? cultural kababuyans accepted…kadiri!
    Buti na lang when we visited Singapore before di ako mahilig maki-shake hands…tama na yung taas kilay he he


  21. hello ms. paperback. kadiri ano? ang sarap ngang kutusan ng kupal na yon. sa harap ko pa.

    boss idol dengcoy. idol talaga kita. ang fertile ng iyong pag-iisip. para tuloy gusto kong mangulangot. hehehehe. malapit nang labas ng cartoons mo sir!

    hi tin. at ang pinaka ayoko sa lahat ay ang common soup bowl kung saan samasama kayong hihigop ng sabaw at magsasawsaw ng chopsticks. yuck.

  22. BatJay Says:

    hello mylab. lahat namang pinagdidiskitahan ko eh. ngyehehe.


  23. uy missP. thanks for coming back and commenting. hehehe. ang dami ngang mga pinoy wisecrack tungkol sa pangungulangot. diyan ba sa germany, maraming mga nangungulangoto in public? ano bang mga gross na activities diyan?


  24. hi justice. mayroong shake hands scene doon sa movie na “mall rats” – try to rent it. nakakatawa. pag napanood mo yun, maaalala mo ang kwento ko. hehe.


Leave a Reply to tin Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: