KUMAIN NA NAMAN AKO NG LOR-MI

April 30, 2004

friday at wala ang boss kaya nagplano na namang kumain ang mga kaupisina ko sa turo-turo ng old airport road. mayrong isang stall dito na well known sa buong singapore dahil sa lor-mi (lomi sa mga pinoy). ok lang na maghintay ng 30 minutes dahil sa haba ng pila. sulit naman kasi… steaming hot lomi na may sahog na bawang, crispy daing na isda, big slices ng sweet pork, chicharong balat ng baboy, itlog, shredded meat at may toppings na haugang otah fish cake. sabayan mo ng panulak na sugar cane juice na may lemon at tapusin with a big bowl of CHNG TNG, ang dessert na walang vowel.

pakingsheet, ang sarap.

Advertisements

No Responses Yet to “KUMAIN NA NAMAN AKO NG LOR-MI”

  1. Jet Says:

    O e kelan mo naman ko pakakainin dyan mylab?

  2. BatJay Says:

    sige mylabopmayn. memya?

  3. ate sienna Says:

    hindi ako mahilig sa lomi, pero mami type na type ko! meron kaming nadiskubre na restaurant nila papa rodge and maricel na ang pangalan “mami king”. sus.. ang sarap!

  4. BatJay Says:

    hello my ninang. masarap nga raw yan. ang dami talagang masarap na pinoy restaurant sa west covina ano? para ka na rin nasa manila.

  5. ate sienna Says:

    true ka dyan, fafa. pag nandito ako, para na rin akong nasa pilipinas. pero siempre, iba pa rin talaga ang pilipins my pilipins, siempre!


  6. hello again my ninang. hehe. tapos nang lunch break? heto ako, gising na gising at 4 am. nasobrahan ata ako ng lomi kanina at nagising ng maaga’t di makatulog.

  7. Belle Says:

    Paano i-pronounce yang dessert na alang vowel? (lol)

  8. BatJay Says:

    paano ipronounce ang chng tng? eh di chng tng. parang chung-tung sa pandinig ko eh. minsan nahihiya akong i-pronounce kaya tinuturo ko na lang sa tindera. huwag isnabin dahil ito ang aking peborit singaporean dessert.

    ingredients?

    may mga herbal (hindi essence) na ek-ek, kamote, barley, chesnuts, mga lumot lumot na parang fungus at kung ano-ano pang lumulutang na hindi ko ma pronounce.

    hehehe.

    musta na diyan sa pambansang paaralan?


Leave a Reply to ate sienna Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: