EVERY FLOWER TELLS A STORY

April 26, 2004

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

Advertisements

No Responses Yet to “EVERY FLOWER TELLS A STORY”

  1. Belle Says:

    Kuya Jay, you’re vack na pala. ๐Ÿ˜› At ang gaganda ng mga bulaklak ha. Sana makita namin yan ng personal. ๐Ÿ˜› Mukhang kilala ko ang ex-pulis na yan ah. Pag ala akong mapiling presidente, sya na lang iboboto ko! Biro lang po. Ayaw. ๐Ÿ˜›

  2. Jet Says:

    E si Datu mylab, di mo namimiss?

    Miss ko na nga rin sa Pinas e. I know I do when nothing I do around here seem to give me a feeling of satisfaction. Pag ganun na pakiramdam ko, kelangan ko na talagang umuwi. Pag nakauwi na, kahit sandali lang, ok na naman.

    Gustong-gusto ko na si Lucas marinig at makitang magsabi ng ‘O hindeeee!’ a la Ben David… hehe. ๐Ÿ™‚

  3. Tin Says:

    Nainggit ako.. ๐Ÿ˜ฆ Mukhang malabo kami umuwi this first half of the year.. Homesick na homesick na ako.. waaahhh.

  4. tanya Says:

    yay! you’re coming home? ey kita tayo ulit! les cam on?! weeeeeeee! ๐Ÿ™‚ hehehehe!

  5. sm Says:

    ay buti pa kayo, masisilayan nyo na ulit ang pinas…

    advance happy anniversary nga ho pala to you and misis…madaming masasayang taon pa para sa inyo ๐Ÿ™‚

    and wow! turning 80 na mom nyo? nakakabilib naman…happy brithday din sa kanya.

  6. Renee Says:

    Hi Perskasin!

    (Sigh), nang-iinggit ka na naman! Kailan kaya kami makakabalik sa Pilipinas ni Lorenzo? Hi na lang sa kanilang lahat! And please send Auntie Lita our love and Best Wishes for her birthday!

  7. carmela Says:

    welcome back jay!

    inggit naman ako uuwi na naman kayo, mabuti pa kayo malapit lang sa pinas… anyway, im sure mag enjoy kayo for that short period of time… i wish ganon lang kami kalapit, hehehe:)

    nice orchid! mahilig ka pala sa bulaklak jay, heheh:)

  8. MissP Says:

    uy, ur back!!!pero para ka rin di nawala dahil masugid ka pa rin mag blog….which was really good for us. na entertain mo pa rin kami, hehehehe.

    ganda naman ng orchid mo, inggit ako. pero mas inggit ako lalo pa dahil uuwi kayo sa ating Lupang Sinilanagan. at least buwan lang ang binibilang niy bago kayo umuwi sa Pinas. kami dito taon…haaaaayyyyyyyyy!!!!

  9. rodge Says:

    nice pics fafa jay! ang galing mo kumuha. parang gustong tumalon ng flower from the frame. looks so alive.


  10. hi belle. musta na diyan sa university op da pilipinas? mukhang busy kang sobra. ala ka nang bagong tula. yup. back na ako sa singapore. and in a few weeks, back na rin sa manila. medyo magiging busy ako kaya baka imbitahin na lang namin kayo sa bahay for dinner or lunch. nga pala, huwag mong iboto ang ex-pulis para presidente.

    hi tin. oo nga. kami ni jet, we make it a point to be home twice a year. kahit medyo magastos at sandali lang, at least we get to see our parents, our other loved ones and our home. matanda na kasi ang mga magulang namin and we try to spend as much time with them as we can. mahirap pag wala na sila, at saka ka manghihinayang. kaya, nanghihinayang na kami ngayon sa pamasahe in exchange for a few days with them.

    hi tanya. punta na lang kayo sa bahay namin. at least we can have a barbeque and talk and talk and talk.

    maraming salamat ulit sa comment mo bossing thess with an “h”. i’ve heard so many good things about holland and its one of the places in my “to see list”. thank you for the greetings.

    hi pinsang renee.kamusta na diyan sa modesto? i hope the kids and don lapulapu are doing great. malapit na malapit na talaga ang araw ng birth ng inaanak ko. mwahaha. i wish we can be there with you physically. uwi nga kami sa end of may just in time for our anniversary and mom’s b-day. i’ll tell all of them at home that you said “hi”.

    hi carmela. mahilig talaga ako sa bulaklak at sa gardening in general. sa bahay namin sa antipolo, mayron akong munting hardin. kahit wala na akong trabaho, basta nasa bahay lang ako at iniintindi ang mga halaman ko, masaya na ako.

    kamusta na kaibigang MissP? sana ay ok kayo diyan sa alemanlandia. kaya masugid mag blog pag out of the country ay para kay jet. at least nalalaman niya kung ano ang ginagawa ko at para di rin siya masyadong malungkot. kaya nga pinili ko ang singapore, kasi malapit lang siya sa pilipinas. at least, pwedeng twice a year umuwi.

  11. BatJay Says:

    hello mylabopmayn. siempre miss ko rin si datu. miss kong lahat ng naiwan natin sa pilipinas. yan ang ganda ng singapore. so near to the motherland, di masyadong mahal umuwi.

  12. BatJay Says:

    hi papa rodge. long time no hear. kamusta na diyan sa lalaland? i hope you guys are doing great. schedule ko nga pala diyan ng june 6-12. baka di ko pa kasama si jet. pag may oras kayo, kita kita tayo. marami namang mapupuntahan sa southern cal.

  13. CG Says:

    kainggit naman kayo batjay, uuwi kayo next month. umuwi rin kami for 3.5 weeks nung pasko pero parang ang tagal2x na panahon na yun.hearing about pinoys going back to our motherland makes me more homesick! sana ako din! kung mura lang sana ang pamasahe.tsk-tsk. or kung tumama kami sa lotto!ang asawa ko mahilig din sa gardening. pagnapunta kayo dito ni jet, ipapakita ko senyo ang aming munting hardin ๐Ÿ™‚

  14. CG Says:

    isa pang tanong, pano maglagay ng image na pwede ka magtype ng text beside it? help naman po! thanks!

  15. R Says:

    isang linggo lang kayo dun? para lang kayong nangapitbahay ah! enjoy, enjoy! di na ako magsu-suggest na tayo’y mag-meet. siguradong fully-packed ang itinerary nyo. advanced happy a, at happy bday kay mother (at naki-mother pa ako, ngek!)!

  16. ntgerald Says:

    The name is Phalaenopsis equestris. It is endemic (native) to the Philippines and Taiwan. The plant is well known in the orchid world.

    Aren’t you proud? It is very floriferous, meaning it rarely stops flowering.


  17. WOW, i’m impressed. thank you very much for the information. the orchid is a gift from a friend. yes, you are correct. it rarely stops flowering, much to the delight of my household.

    i’m probably not an avid orchid lover as you are but i love them just the same. i have quite a few in my garden in the philippines.

    very proud,
    jay

  18. Sassy Says:

    Hindi na kailangan mamulaklak yung ex-pulis na tumatakbong presidente kasi…

    BULAKLAK NA SIYA TALAGA!!!

    Gets?

    (pasensiya ka na sa e-mail na nilagay ko ha. grabe na spam eh. alam mo naman yung e-mail ko)

  19. BatJay Says:

    hehehe…. miyembro ng federasyon? apir tayo diyan!

  20. ntgerald Says:

    Baka nagkamali ako, Batjay on my label, Phalaenopsis equestris. It might be Phalaenopsis intermedia, which is a natural hybrid between P. equestris and P. aphrodite, another species very common in las islas Filipinas.

    I compare mo na lang, here are links to quite a number of pictures.

    http://www.phals.net/equestris/index_e.html
    http://www.phals.net/aphrodite/Intermedia_e.html

    I hope mastimulate interest ninyo into orchids. Singapore is one of the very best places in the world for orchids (to buy and grow), especially for Phalaenopsis and Vanda. Meron akong many Philippine species but the rarer ones you can look for in Singapore and take home to grow in your little nest in Antipolo ba yoon?


  21. hmmm…. hard to tell. my gut feel tells me it’s equestris. thanks again for the comment.

    i do have a lot of orchid books and still many more orchid parapharnelia. medyo nag lay low lang ako sa collection and don’t buy as much nowadays. first, we’ve moved to singapore. pangalawa, i am content with the bunch that i have at our antipolo home. i don’t maintain it as much anymore and just let it grow semi wild.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: