SUICIDE IS PAINLESS

March 28, 2004

two weeks ago, pinanood ko ang “M*A*S*H” (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng “suicide is painless“, the lyrics of which incidentally, was composed by altman’s son. kahit saan na lang kinakanta ko ito – sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

mayron pa akong mga ibang nirecord:

“freight
train”
. kinanta ko habang pinapatikim sa akin ni jet yung weekend ulam
namin, kaya marami kayong maririnig na background noise at iba pang mga
soundepeks.

“for
no one”
. ang aking childhood peborit. para sa akin, ito ang isa sa mga turning point sa
pop music history. before this, you had lyrics like “bye-bye love, bye-bye
happiness, hello loneliness, i think i’m gonna dah-hie”. then this beatle song
came out and the over simplistic lyrics of the past became – “your day
breaks, your mind aches, you find that all her words of kindness linger on,
and she no longer needs you”. a big leap in the sophistication
of the music.

“golden
slumbers”
. ang paborito kong lullaby song, from the 1969 abbey
road
LP of the beatles (again). alay ko sa lahat ng mga baby sa buong mundo.

Advertisements

No Responses Yet to “SUICIDE IS PAINLESS”

  1. mona Says:

    p’re, papasang john mayer!

    …after one too many gin tonics.

    hehehe.

  2. BatJay Says:

    after one too many gin tonics, kaboses ko na si tom jones.

  3. MissP Says:

    MAwalang galang na po;

    graaabbee!!!!! ang galing galing nyo naman po! bow ako!!!!

    magandang hapon pren! kaka pakinig ko lang din ng “here, there & everywhere” mo, which is also one of my peborits…applause!!!

  4. Christine Says:

    Ok ka Batjay, isang natural talent! hehe. Ayaw mong magside-line sa mga lounge/bars dito sa Singapore? 🙂

  5. BatJay Says:

    salamat (pwet kong may lamat) missP at christine.

    kakantahin ko sana yung counterpoint sa here, there and everywhere ni jose mari chan kasabay, kaya lang isa lang ang bibig ko.

    dati akong folk singer ng ma mon luk. baka may alam kayong mami-siopao house sa singapore, may aapply ako.

  6. Christine Says:

    Batjay, lumipat na naman ako, eto na bago kong link: http://rockindownunder.blogspot.com/

    Help naman sa pag-add ng comments section from haloscan! Thanks!

  7. Robbie Says:

    Batjay, dito din ako sa Singapore. Very timely yang pagkanta mo ng “Suicide is painless” kasi kelan lang may nabalitang cancer-stricken mother and her 2 daughters who jumped to their deaths in Chin Swee Road (that explains the passengers’ amazement).

    Na-overlook ng s’pore itong ganitong cases, kasi busy pa sila sa daga at pagpaparami ng bata (rhyme din :>). The irony is, they just lost two.

  8. batjay Says:

    hi robbie.

    maraming salamat sa dalaw.

    gusto ko nga sanang isulat yung tungkol doon sa babaeng tumalon pero what’s
    the point – tapos na yung fact. nasama pang napatay yung 2 bata.

    ano kaya ang nag drive doon sa ina na isama pati yung mga anak niya sa pag
    suicide?

    nga pala, taga saan ka rito?

    ingat tol.

  9. Robbie Says:

    Dito pala ako sa raffles place nagta-trabaho, pero sa bedok ako naka-stay with my family. My wife and I are both in IT.

    Sabi sa news, yung mother daw ay depressed na and she planned everything. The red cords tied around their wrists is actually a buddhist thing. Para daw sila (children) pa rin ang magiging anak niya pag na-reincarnate sila.

  10. BatJay Says:

    sa bedok pala… medyo malapit lapit sa amin sa pasir ris.

    medyo naiinis ako sa nanay na nagpakamatay. sana di na lang niya sinama ang anak niya.

  11. nene Says:

    di ba makapag-isa ung nanay,dinawit pati anak!!!ASTIG!!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: