PAANO MAG-SAMPAY NG LABADA SA HIGHRISE

March 1, 2004

pag nakatira ka sa building dito sa singapore, ang sampayan ay nasa gilid ng bahay. literally, nakasampay ang mga labada sa gilid ng structure. para tuloy mayrong kang bandera sa labas ng tirahan mo. minsan, pag walang magawa, masarap panoorin ang iba ibang kulay. pag malakas ang hangin, masarap itong pagtripan.
pano nga ba mag-sampay ng labada ang mga singaporeans? kadalasan ay sa labas ng bahay. since majority ng mga taga-rito ay nakatira sa housing blocks, ang labada ay naka-sampay sa gilid ng building.

bukod sa sampay, marami pang mga nakabitin sa mga housing blocks dito – mga halaman, bisikleta, bird cage, durian (bakit durian?), etc. marami nang kaso rito sa singapore na mga taong namatay dahil tinamaan ng mga nahuhulog na kung ano-ano, galing sa matataas na mga floor. ang tawag sa mga bagay na nahuhulog from above ay “killer litter“. ang tawag naman doon sa mga nasa wrong place at wrong time na tinamaan ng killer litter ay “sobrang malas“.

mahigpit ang mga “killer litter laws” dito at maaring mawalan ka ng bahay pag na convict ka. nung araw daw, nung bagong uso pa lang ang pagtira sa mga building, talaga raw mataas ang incidence ng “killer litter”. mayron daw mga naghahagis ng mga lamesa, silya, tv at refrigerator. minsan may naghahagis pa nga ng mga bungangerang asawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: