THE MATRIX PREMIERE SA SINGAPORE, MUNTIK NANG MAG REVOLUTION

November 7, 2003

mamamatay si keanu sa ending ng revolutions. biro lang. ngyehehe. di ko pa napapanood. pero mayron akong balita sa premiere dito sa singapre. this is a true story, i shit you not… muntik nang mag rebolusyon dito nang mag premiere ang “The Matrix: Revolutions”. ganito ang nangyari:

during the last 20 minutes of the movie, siyempre eto na yung pinaka exciting dahil climax na, biglang nagloko ang DTS sound system at nag skip ang dialogue pabalik sa previous part ng pelikula. eh di siyempre, di na pareho ang salita nina trinity at neo sa galaw ng kanilang mga bibig.

sabi sa dyaryo eh muntik nang magwala ang mga tao sa sinehan. buti na lang mga repressed ang mga taga rito. teka lang, mali ata… “medyo subdued ang mga taga rito”. kundi nagkaroon ng riot sa loob. hehehe… pwede sigurong kunan ng bullet time ang pag gulpe ng mga tao sa projector man kung sakali.

imagine mo na lang isa kang die hard matrix fan. nag hintay ka ng 6 na buwan para sa last installment ng trilogy. tapos during the most important last part of the movie, biglang nagloko ang sound at di mo maintindihan ang buong palabas. bummer! siguro kung sa akin nangyari yon eh baka maging kamukha ng manager ng sinehan si laurence fishburn nang magulpe siya ni agent smith sa unang matrix movie.

anyway, pwede raw manood ulit ng libre ang mga na short change during the premiere. siyempre di na ito pareho dahil na spoil na yung element of surprise nila. pero siguro wala rin ito… ang sama ng review ng last matrix movie. di ko tuloy alam kung papanoorin ko pa sa IMAX o hintayin na lang sa DVD.

bigat ng problema ko no? hehe. “kill bill” na lang kaya? ang hiling ko: sana may manood ng “kill bill” sa pilipinas na kamukha ni uma thurman at i-samurai ang mga bwakanang inang congressman doon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: