TWO YEARS

August 6, 2003

two years na ako sa singapore ngayong august 6. ambilis ng panahon. parang kahapon lamang eh nasa pilipinas kami ni jet. ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. ngayon narito kami sa singapore, ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. wala bang nagbago? hehehe… marami, actually.

bakit ba kami napadpad dine? maraming dahilan. pangunahin ay pera. naisip namin ni jet na kapag nagpunta kami rito eh sa isang taon lang eh bayad (as in fully paid) ang bahay namin sa antipolo. ang isa pang dahilan ay kunektado rin sa pera. naisip rin namin (parati kaming nag-iisip) na mga five to ten years dito eh pwede na kaming mabuhay nang semi-retired (hindi semi-retarted, pero pwede na rin) sa pilipinas. matagal ko na kasing gustong maging hardinero eh. lastbatnatdalis na dahilan, kunektado rin sa pera: gusto naming mas makatulong sa mga kamag-anak namin na nagsisikap ding paangatin ang kanilang mga buhay.

mga twelve years rin akong nagtrabaho sa pilipinas bago kami nagdesisyong umalis. ako’y isang instrument engineer (hindi ako gumagawa ng gitara. if you are interested in what i do, please go to this site). masaya rin ako sa trabaho ko dahil kung saan saan kami nadedestino sa ibat ibang parte ng pilipinas. very fulfilling at satisfying kapag nakapagpaandar ka ng isang planta at nakikita mo ang produktong lumalabas sa mga linya (lalo na pag beer! hehehe. nakatikim na ba kayo ng serbesang kagagawa pa lang? ubod ng sarap, manamis namis na malamig na suwabeng papasok sa bibig mo at hmmm). asan na ba ako? ah ok… eventually, i grew up. or perhaps, i outgrew my job and the company i was working for. i definitely outgrew my boss. siguro it was time to turn the page, to move on, to “turn turn turn”. it was definitely the season.

may job offer sa singapore galing sa mga kaibigan ko. maganda ang suweldo at medyo stable ang trabaho. pinatulan ko na. kung kaya, two years ago ay lumipad ako papunta rito. ako lang muna, habang naghahanap pa ako ng matitirahan. first two weeks ko eh sa “Hotel 81” ako nakatira. parang anito ito sa singapore, isang sikat na chain ng mga short time banatan na motel. pag gabi eh kung ano anong kalampagan ang maririnig mo. hehe… yung kwarto ay malaki lang ng kaunti sa kama. ang hotel 81 ay nasa geylang. isa ito sa pinaka sikat na area sa singapore dahil ito ang red light district dito. araw at (lalong lalo na sa) gabi ay maraming nakapila ritong mga babaing nagbebente ng aliw. marami ring casa rito at magbabayad ka lang sa counter, pwede ka nang makipag sex sa kung sinong pipiliin mo (kwento lang ito sa akin, di pa ako nakapasok doon eh). ang isa pang katangi tangi sa geylang area ay masarap ang mga kainan dito. hindi ko nga alam kung bakit sex and good food go hand in hand here in singapore.

nagtaxi ako from the airport to the WRONG hotel 81 (marami kasi rito eh). within walking distance lang naman daw yung tamang branch kaya nilakad ko na lang, bitbit ang isang malaking maleta at isang malaking shoulder bag. check-in sabay labas agad papunta sa opisina. sumakay ako ng bus at naligaw. eto ako in a new country, on my first day and i was fucking lost. di ko alam kung nasaan ako. gusto ko nang umuwi pabalik sa pilipinas dahil bigla akong nalungkot – angst attack is more like it. eventually, nagtanong tanong ako at nakarating rin sa opisina. pagkapasok na pagkapasok ko sa office, tinanong ako ng boss ko kung bakit daw ako naka maong. bawal daw ito isuot sa office. sasagutin ko sana ng “eh bwakanginanaman di mo ba alam kakababa ko lang ng eroplano, alanganaman magpalit pa ako ng pantalon!”. kaya lang… napagisip-isip ko, di naman siya marunong magtagalog at isa pa, baka pauwiin niya ako. kaya, binigyan ko na lang siya ng matamis na ngiti.

all in all, maigi na rin. nabayaran na namin ang bahay, nakakatulong kami sa kamag-anak at nakakaipon ng kaunti. ilang taon na lang, hardinero na talaga ang full time job ko. in short, natutupad lahat ng mga pinangarap namin. pero alam mo, in the end (“at the end of the day” – gardemet, not this phrase please) kung di man matupad lahat, ok na rin para sa akin. ang importante, enjoy kami sa buhay naming mag-asawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: