101 MILLION DUCKS AND COUNTING

July 28, 2003

ngayong dinner ay kumain kami sa “beijing qian men quan ju de roast duck restaurant”. itong restaurant na ito ang isa sa pinakamatandang kainan sa beijing. it was founded in 1864 (during the Qing Dynasty), and is, as of this writing, 139 years old.

malaki at maganda ang restaurant na ito at isa lang ang tinda nila: peking duck. kumuha kami ng table sa 2nd floor. for 200 RMB (approximately 1,300 pesos) per head, ikaw ay makakain ng isang (peking dick? hehehe, sorry) peking duck dinner. eto lang ang ganda ng accidental tourist, libre ka na sa byahe, bongga pang pagkain mo. kung personal ang byahe ko eh malamang sa chow king lang ako kakain. o sige, tama nang pang-iinggit. let me proceed…

doon sa may kitchen area ay may malaking electronic counter – nakapost doon kung ilang bibe nang kinatay nila’t pinakain sa mga customer. kanina ang count ay 101,466,874! in fact, bibigyan ka nila ng certificate kasama ng resibo pagtapos mong magbayad. nakasulat sa certificate ang number ng peking duck na niluto nila para sa iyo… “this is to certify that you have eaten duck number 101,466,874” or words to that effect.

kumpleto ang pagkain. from start to finish eh peking duck this and peking duck that. kulang na lang eh ipakain sa iyo pati feathers. busog na busog nga ako ngayon at pakiramdam ko eh malapit nang bumagsak ang bataan. nakahanda na nga ako at pag dumating ang oras na iyon, sisigaw na lang ako ng “magsitabi kayong lahat”, sabay takbo papasok sa comfort room.

kanina, habang sumusubo ako eh napag isip-isip ko: buti na lang at tayo ang nasa taas ng food chain. the worst thing that could happen to you is to be born a duck in beijing china. masama nang lakad mo, kakatayin ka pa 45 days after being born. ang sabi pa sa akin ng mga kasama ko eh yung sahig ng kulungan ng mga peking duck ay iniinitan para mapaso ang mga paa nila. dahil napapaso ang mga bibi eh mapipilitan silang gumalaw nang gamalaw (imagine mo na lang kung anong gagawin mo kung maglalakad ka sa nagbabagang uling). dahil parati silang gumagalaw eh na-e-exercise sila kung kaya’t walang taba ang mga kumag. ito raw ang dahilan kung bakit masarap ang peking duck sa beijing. malupit ano? pero lekat na iyan, ang sarap talaga ng lasa. ang yabang nga ng mga taga rito eh, “there’s no peking duck like peking peking duck”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: