ROAD TO PERDITION

May 18, 2003

Peter O’Sullivan: “Why are you always smiling?”
Conner Rooney: “Because I find life so fucking hysterical!”

isa siguro ang american beauty sa current top 10 list ko. una, dahil sa storya. from start to finish, magaling ang nakakatawa, nakakaiyak at very original na script ni alan ball. incidentally, siya rin ang writer/director/producer ng “six feet under”, yung isda best na series sa HBO.

pangalawa, yung cast – from kevin spacey to chris cooper to annette bening to thora birch, walang tulak-kabigin sa mga artistang gumanap dito. bukod sa “the usual suspects” ni x-men director brian singer, ang “american beauty” siguro ang pinaka magaling na pelikula ni spacey.

ikatlo, yung cinematography ni (the late great) conrad hall, in particular, yung laro ng light and shade sa set. ikaapat ay yung musica. magaling ang score at yung soundtrack ay espesyal sa akin. lalong lalo na ang eksena na pinatugtog ni mena suvari yung “don’t let it bring you down” ni neil young na cover ni annie lenox – it kills me everytime i watch it.

at panghuli, yung direction ni sam mendes – in particular, yung subtlety, yung pace at yung takbo ng buong pelikula… ang galing. di ko na ipapaliwanag, panoorin nyo na lang. hehehe.

mas lalo mong maiintindihan ang pelikula kung panoorin mo ito sa “Awards Edition” na DVD. dahil bukod sa pelikula, may 3 1/2 hours pa na extra goodies. ang standout dito ay yung explanation ni sam mendes at conrad hall sa mga subliminal na effects na nagagawa ng lighting at shadows. kung ikaw ay isang film buff, yung commentary ni sam mendes all throughout the film ay isang classroom type lecture kung papaano gumawa ng isang pelikula (kung may pera lang ako, bibigyan kong lahat ng director sa pilipinas ng kopya ng DVD para naman di na parating lovetriangle-sex-action-massacre ang napapanood natin).

segue tayo sa “road to perdition”. dito medyo disappointed ako. altough first rate pa rin ang cinematography dahil na rin ulit kay conrad hall, sa tingin ko eh medyo na-engross ata si sam mendes sa photography. sobrang ganda nito na nakalimutan na nya yung pacing, yung story at yung casting. di naman pangit totally ang film, hindi lang ito kasing ganda ng dati niyang pelikula. isa pa, di bagay si tom hanks na gangster. hehehe… sana si daniel day lewis na lang ang kinuha nila. in retrospect, siguro malaki lang talaga ang expectations ko from sam mendes to top “american beauty”.

and so, if you have nothing better to do on a sunday afternoon like this, kumuha ng kopya ng “road to perdition” at “american beauty” at panoorin ito in that order. kung may oras pa, get a copy of the “road to perdition” graphic novel and read it afterwards.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: