BYAHE NA NAMAN, WOOOHOOO!!!

May 18, 2003

CHINA_071

ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.

sa linggo naman ay ang pinaka-exciting sa lahat… 12th anniversary na naming dalawa ni jet. ang tagal na naming dalawa ano? nagsimula sa kasal namin sa munisipyo ng kalookan, walang pera kaya sa jollibee lang ang reception. sampung taon bago nakabili ng sariling bahay… job offer na maganda ang nagdala sa amin dito sa singapore magdadalawang taon na. in between, katakut takot na walang katapusang kasiyahan.

malayo nang narating ko simula nang magtapos sa iskwela. from paractically nothing to… well, something more than that. lahat ng ito ay dahil na rin kay jet. kung wala siya sa buhay ko, baka nagkabalenkwang nang landas. itong 12 years na byahe naming dalawang mag-asawa ang pinaka exciting sa lahat. byaheng langit… di kayang pantayan ng kahit na anong first class trip sa kung saan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: