QUARRANTINE

April 15, 2003

wala naman daw quarrantine ang pagpunta sa us, sabi ng travel agent namin. baka matuloy ang trip ko next-next week sa california. pero, baka hindi ko rin ituloy. ang ayoko lang kasing mangyari eh pagpasok ko sa conference… tatanongin ako kung taga-saan ako. siyempre, sabihin kong well, i live in “singapore”. baka magtakbuhan eh. hehehe…masapak ko pa ng wala sa oras ang mga lekat.

kaya lang, baka di naman nila pansinin ang origin ko. di ba eng-eng ang mga amerikano sa current events. karamihan nga sa kanila, di alam kung nasaan ang iraq eh. hehehe… yung balita kasi sa america: puro weather at traffice lang eh habang pumipikit pikit, todo ngiti at pa-kyut ang mga newscasters. ah oo nga pala, sama mo na yung mga breaking news na police car chase. hehehe.

ISA PANG KWENTO TUNGKOL SA SARS SA SINGAPORE…

kahapon ng lunch, pinag-uusapan namin ang style ng singapore health ministry sa pag-deal ng SARS dito sa isla. ang kasama kong singaporean, nirereklamo niya yung pag-banggit ng health minister nila, doon sa pangalan ng unang SARS victim ng singapore. bakit daw kailangan pang banggitin ang pangalan niya sa publiko. ano pa raw buhay ang aasahan ng taong ito pag-labas niya sa ospital. namatay na nga ang mga magulang niya dahil sa kanya, kahiya-hiya pa siya sa lahat ng taong makaharap niya.

napansin ko nga, right after the anncouncement of the government ng pangalan ng SARS suspect at ang kanyang trabaho, tirahan, etc. lahat na lang ng dyaryo at news show sa tv ay binalita ito comprehensively. malupit talaga minsan ang singapore efficiency.

pwede kayang idemanda ang singapore government dito? sabi ng bossing ko, kung sa kanya raw nangyari yon, he will sue.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: