MAHILIG AKO SA COMICS

March 29, 2003

simula pagkabata, nahiligan ko nang magbasa ng mga comics. naalala ko pa nung araw, pupunta kaming “downtown” (avenida or sta. cruz para sa mga bagets) ng daddy ko, para lang bumili ng mga comics. batman at superman ang paborito ko. naalala ko pa ang daddy ko, nakasimangot siya pag nag-lambing akong bumaba sa sta. cruz dahil napaka-hirap sumakay ng jeep doon dahil maraming tao (yung kanta ni ryan cayabyab na limang dipang tao, tutuo yon!). pero dahil ako si bunso, pinagbibigyan niya ako parati. kaya every month ay may comics ako!natigil ito nang umalis siya dahil may nakilala siyang ibang chickababes. medyo naghirap ang buhay namin at nawalan ako ng pambili ng comics at siyempre naging abala ako sa mga ibang bagay (like growing up fast).

fast forward to 1990… nakapagtapos ako ng kolehiyo kahit medyo gumagapang at nakahanap ng magandang trabaho. umunlad ng kaunti at nagkaroon ng konting pera. shangri-la mall sa ortigas, basement fastfood: may nagtayo ng bagong comics stand at nakadisplay ang mga sumusunod – “batman vs. predator”, batman elseworlds “red rain” kung saan kalaban niya si dracula, “the death of superman” comics. binili kong lahat.

fast forward to 2000… powerbooks sa megamall. nakadisplay ang sandman comics (graphic novel na ang tawag pero parehas lang yon – comics pa rin) ni neil gaiman – all 10 compilations. binili kong lahat. nadiskubre ko ang ganda ng istorya ng sandman. dito walang hero, walang black and white, walang good and evil. lahat ng characters ay may shades ng gray. ako’y na-addict.

fast forward to 2002… singapore. mas malaki nang buying power. di na katulad nang aking pagkabata na nininerbyos kung may pang-enroll. kinokuniya bookstore. a book lover’s paradise. isang malaking section ay devoted sa comics. bumibili na talaga ako regularly. lahat ng comics na bago ni neil gaiman, john constantine, swamp thing, batman, lucifer morningstar, etc. etc. binagsak ko na si superman. ayoko ng superhero na kryptonite lang ang weakness eh. nagbago ng taste ko, pero comics pa rin ang gusto ko. every time may chance na pumasok sa bookstore ay pumunta ako para tumingin. pag may maganda, akin siyang binibili.

mga digression:

tanong: bakit tumutulong pa rin ako sa mga kamag-anak ko?
sagot para sa mga taong di nakaka-intindi at nagtatanong kung bakit kailangan pa naming suportahan ang mga kamag-anak: dahil nung panahon na tag-hirap kami at kailangan ko ng tulong, sila ang mga sumuporta sa akin.

tanong: bakit against ako sa guerra?
sagot (para rin ito kay classmate): alam ko ang pakiramdam na lumaki nang walang ama sa buhay. ayokong mawalan ng tatay o nanay ang kahit sinong tao sa mundo. kahit magkanong pera ay di ito kayang punuin.

back to the main topic:

tanong: bakit ako mahilig pa rin sa comics?
sagot: deprived ako ng bata ako. ang comics ang isa sa mga bagay na nawala sa akin ng matagal. ngayon ay 37 years old na ako, nakabili na nang bahay at may konting ipon. matanda na, pero pag may sobrang pera, bumibili pa rin ng comics. marami pa akong gustong bilhin. mga bagay na di ko nabili nang bata ako – electric train na may tutuong usok na lumalabas, remote control na kotse, Voltes V na robot.

SIDE NOTE: may tindahan ng “pares” sa west avenue na dinaanan namin ni jet nung kami’y umuwi. sabi ko sa kanya: alam mo nakakatawa, my lab. nung araw, gustong gusto kong kumain ng pares diyan sa pwestong iyan. kaya lang di pwede dahil wala akong pera. hehehe… ngayon may pera na tayo, ayoko nang kumain ng “pares”.

huling tanong: galit ba ako sa mundo?
sagot: hindi. life goes on man. shit happens. hehehe… kahit maraming regrets sa aking pagkabata, lumaki akong masaya. marami akong kaibigan noon (simula kinder) na kaibigan ko pa rin ngayon. nag-iinuman pa rin kami. kumpare ko silang lahat dahil ninong ako sa mga anak nila. sila rin ang mga tumulong sa akin, isang tawag lang. mahal ko silang lahat. nandyan pa rin ang mommy ko. 79 years old na siya, pero malakas pa rin. nothing will give me more pleasure than buying her a plane ticket for a grand vacation here in singapore. nandyan pa rin ang mga kamag-anak ko na (kahit ang iba ay bugok) nagmamahal, nagpapasaya at nagpapa-aliw. lalo nang aking mga pamangkin at apo.

higit sa lahat, nandito sa tabi ko si jet.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: