DELUBYO

March 12, 2003

sabi ng economic risk consultancy ltd, ang indonesia raw ang pinaka corrupt na bansa sa asia. sunod dito ang india, vietnam, thailand, china and the philippines. based ito sa survey ng 1,072 expatriates na nagtatrabaho dito sa asia.

speaking about india, tuloy ang trip ko sa new delhi next week… alis ng tuesday ng gabi at balik dito sa singapore ng sabado ng madaling araw. i’ll be in singapore by saturday. muntik nang mapurnada ang rolling stones concert namin ni jet. ang original plan ay 24 to 28 ang india trip ko eh. buti na lang at na-confirm ang booking ko kanina. dumating na ang mga tickets by mail at tuloy na tuloy na kami to watch the stones. yeah baby!

balik sa corruption issue. isa pang masarap dito sa singapore ay hindi uso ang lagay. di mo pwedeng abutan ang mga pulis at d mo pwedeng abutan ang mga government officials. walang mukhang goons sa airport at walang ipit ng dollar sa passport. pag umunlad ang pilipinas, sana naman ay maging ganito rin. di siguro sa aking lifetime (sa tingin ko eh mga 1-2 generations) pero sana mangyari. gusto kong makita ang bansa natin na patas ang labanan ng lahat. walang palakasan, walang kamag-anak inc. lahat dinadaan sa pawis, kaalaman, sipag at tiyaga.

actually, pwede namang mawala ang corruption agad sa pilipinas. kailangan lang ng delubyo – yung tipo ng delubyo na sinsabi ni pilosopo tasyo sa noli me tangere. yung malakas na unos na papatay sa lahat ng mga masasamang tao sa bansa natin. wika ni pilosopo tasyo (nung may nagtanong sa kanya kung bakit siya nagsasaya sa pagdating ng ulan):

Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: