TURNING JAPANESE, PART 6

February 16, 2003

schedule ko bukas my love…

9:00 check out and go to wonderware office.
9:00-12:00 meeting with wonderware staff
12:00-1:00 lunch
1:00-1:30 travel to seminar venue
1:30-3:00 seminar
3:00-5:00 travel to airport
5:00-7:00 wait for flight
7:00-1:20 flight to singapore
1:20-2:00 immigration, bag check, etc.
2:00-2:20 travel to bahay
2:20 YEHEY, kita na ulit tayo!!!!

medyo busy ako kaya baka di na ako makapag email sa iyo. huwag kang mag-aalala ha, kung wala akong email. anyway, last day ko na bukas at pinaka main event. sa seminar bukas, marami atang aatend. sana ay kasing swabe ng seminar sa osaka. sa tingin ko naman ay ok ito dahil well prepared na ako dahil ilang beses ko na itong nagawa sa mga practice session ko with the distributors, another two sessions with the translator at yung seminar itself sa osaka. hehehe… pag nag-training na sa singapore next week, baka antukin na ako! di naman siguro dahil marami pa akong kailangang malaman.

nakakainis, yung tv ko rito eh puro japanese ang salita sa halos lahat ng channel. made in japan kasi ang tv eh. hehehe. ang english channel dito ay CNN at BBC. yung BBC pa minsan ay may japanese over-dub kaya di ko rin maintindihan. kaya, puro news ang pinapanood ko. oks lang naman dahil mahilig naman talaga ako sa CNN. pinapanood ko nga yung mga peace rally sa iba’t ibang mga country tungkol sa war sa iraq. tumitindig nga ang balahibo ko dahil naalala ko yung 2 EDSA revolution sa pilipinas. those were the days (of living dangerously, starring mel gibson?). sana naman ay makinig si george “cowboy bully” bush.

kahapon, nadaanan namin yung peace rally dito sa tokyo. di ko maintindihan ang mga sinasabi dahil nasa japanese. tinaas ko lang ang kaliwang kamay ko na naka-sara ang palad. in support, kung baga.

sige my love. ingat ka na lang diyan. huwag ka nang magpuyat dahil siguradong puyat ka bukas sa paghintay sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: