PEACE RALLY IN TOKYO

February 16, 2003

6:30 lang pala dito ngayon. parang 9:30 nang pakiramdam ko… maaga kasi magdilim dahil winter. nandito na ako sa hotel at nagpapahinga. umuulan buong araw ngayong linggo dito sa tokyo. may konting snow pa nga ata kanina pero konging konti lang. sayang… gusto kong makakita ng malalaking snow flakes na bumabagsak pero malalaking patak lang ng ulan ang tumama sa mukha ko. hehehe… gagayahin ko sana yung commercial ng emerates air lines tungkol doon sa dalawang africans na di pa nakakakita ng snow sa labas na nagtawagan at tuwang tuwa dahil nag-iisnow sa labas ng kanilang hotel.

umalis ako kaninang lunch time at nag-stroll sa labas. kumain ako ng lunch dito sa japanes restaurant ng hotel. sa sushi bar ako naupo. bigla akong nabusog nung nakita ko ang presyo ng sushi lunch nila – 6,000 yen. hehehe… eh mga 700-900 yen lang ang mga take out na binibili ko. buti na lang at di ako ang magbabayad ng mga meals ko. pag nagkataon, baka busog pa rin ako hanggang ngayon.

speaking of meals. lumabas akong saglit para bumili ng dinner. as usual bento set na take-out (350 yen) at 2 litrong oolong tea (285 yen). pwede na yon. kumain naman ako kanina ng noodle soup (440 yen) sa isang restaurant sa train station. lamig na lamig kasi ako dahil nabasa ako ng kaunti sa ulan – nakita ko sa train station na maraming nakapila sa isang maliit na pwesto. pag silip ko, takam na takam ang mga damuhong japok na humihigop ng mainit na sabaw. inggit na inggit ako. kaya lang inisip ko kung anong sasabihin pag oorder na ako. papasok na lang sana ako nang makita kong may vendo machine sa gilid ng entrance. ito pala ang paraan para umorder. bayad ka sa machine at pipiliin mo ang gusto mong pagkain. pindot, kuha ng sukli at may lalabas na resibo – itong resibo ngayon ang ipapakita mo sa counter at ibibigay na nila ang soup sa iyo. hehehe… solve ang problem ko sa language barrier. maganda nga ang concept na ito sa fast food para wala nang pila para sa bayaran. actually, mayron na ito sa singapore – branch ng isang indian restaurant. ewan ko lang kung mag take-off ito diyan.

sarap nga ng kain ko ng sabaw eh. maingay nga palang kumain ng soup ang mga japon. hinihigop nila ang mainit na sabaw at noodles ng sabay. nung una, naiilang ako pero nakigaya ako. una gutom ako at pangalawa ay malamig. masarap palang kumain ng sabaw ng maingay pag malamig ang panahon. hehehe – ksssswwwwrrrrrrrrk!

nagpunta ako sa ginza ngayong araw na ito. dahil umuulan eh di ako nakagala ng malayo. marami pa naman sana akong balak puntahan. ikot ikot lang ako at sinisilip ang mga iba-ibang shop. may nadaanan akong maliit na doll shop. nginitian ako ng matandang nagtitinda. dahil sa lamig, ulan at ngiti ni manang eh pumasok tuloy ako. hehehe… may nakita akong maliit na japanese doll at nailabas ko tuloy ang wallet ko. kinausap ko ang mga mababait na staff at nagpaturo kung saan pwedeng pumunta. siyempre ang tanong ko – where is the record shop and where is the book store.

tinuro nila ako sa isang malaking record shop at pumasok ako – wala lang, tingin tingin ng mga pwedeng mabili. nag-dalawang isip akong bumili dahil made in japan ang mga cd at dvd eh – baka puro japanese ang lumabas na salita. hehehe… parang murang made in japan na radio. bakit mura? kasi puro japon ang mga kanta at salita ng mga dj. mwa-haw-haw (tv canned laughter).

yung book store naman sa tabi nito eh puro japanese, di ko maintindihan – maganda sanang bumili ng japon na libro dahil pang left handed na tulad natin ang mga literature nila (i.e. right to left). pano yan – ending muna ang babasahin nila bago beginning?

mga five pm, umuwi na ako. yan ang linggo ko. bow.

uy, isang araw na lang ay uuwi na ako. sige, kita na lang tayo ng 2:30 am ng tuesday. alanganin ang oras no? tapos kailangan pa akong magpakita sa opisina. shitdapwetnamalagkit.

anyway, gusto ko na ring umuwi para makita ka. ingat. labU. jay

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: