WHERE YOUR HEART IS

December 5, 2002

Picture of my Tahanan with Jet and Datu

miss ko na ang bahay ko…miss ko na ang aso kong si datu…miss ko na ang garden ko….miss ko na ang pilipinas

gusto ko nang umuwi…gusto ko nang matulog sa sarili kong bahay…gusto ko nang kumain ng adobo at kanin sa dahon ng saging na nakakamay…gusto ko nang magsalita ng tagalog…gusto ko ng kumain ng pansit bihon guisado na hindi maanghang.

gardemet kasing mga tao rito eh, nilalagyan ng chili sauce ang pansit. pag walang chili, walang lasa. pag may chili, maanghang… where will i place myself? in tagalog, saan ko naman ilulugar ang sarili ko pag ganyan ang pagkain?

gusto ko ng ube ice cream, gusto ko ng jollibee chicken joy, gusto ko ng fish ball na prinito (hindi nilaga), gusto kong tokwa na may baboy, gusto ko ng umuwi!

gusto ko nang mag-mura ng malutong at malakas sa sariling wika: TANGINA! TANGINA! KAPUTA-PUTAHAN-KA-NG-INA-MO!” hehehe… ayan, haaaay, ang sarap (makes buntong hininga), cool na ulit ako.

sorry, matagal na kasi akong di nakaka-uwi ng pilipinas eh. at this point, i am already getting:

a. demented
b. crazy
c. topak-sious may toyo na teleleng
d. reglatic (i.e. parang may regla – sorry sa mga may feministic effects)
e. all of the above

dati-rati, nung nasa pilpinas pa kami – gamot ko pag ako’y “weary from my worldly pursuits” (ano ba sa tagalog ito…makamundong pagnanasa? hindi, lust yon eh…ah,eh,ih,oh,uh…makamundong aktibidades…hehehe), asan na ba ako? ah ok, gamot ko pag ako’y pagod na sa trabaho eh, alagaan ang munti kong hardin. sa bahay namin sa antipolo ay marami akong halaman. karamihan dito ay mga namumulaklak (hindi nga lang gintot-pilak na nasa tabi ng dagat na katulad ng sa penpendesarapen).

this is my purple gumamela...very rare

por eksampol… please see a specimen of my pawis at tiyaga: a purple gumamela! ahhhh, meron ba kayo niyan? ha? ha? haaa? itsberyberyrare my dear friends of mine. hehehe… isang tingin ko lang sa garden ko ay medyo nawawala ang pagod, medyo ginaganahan na ulit na mabuhay at magtrabaho at mag-relak… pa-relak-relak lang sa munting hardin, ok na sa akin yon. i have a very shallow happiness, you know.

sabi ng kaibigan kong si tet: “what are you trying to exit?”

what am i trying to exit, indeed? ano bang gusto kong palabasin talaga? just this… kahit anong ganda rito sa singapore, its still not home. corollary to this: kahit anong pangit ng pilipinas, it is home.

ang pilipinas ay ang aking tahanan! naalala ko tuloy nung martial law, every school flag ceremony ay binibigkas ng malakas ang “PANATANG MAKABAYAN”… it goes like this:

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

pilipinas, tahanan ng aking lahi – miss na kita. gusto kitang yakapin pero di ako sigurado kung tutumbasan mo ang mga yakap ko? katulad nga ng sabi ni janice jurado: “johnny baby, what are you taking me for? granted?” hehehe…. kaya mag-MU muna tayo ha?

next week, philipines my philippines, dadalawin kita ng tatlong linggo. let’s make beautiful music together while it lasts.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: