MR. SISON, MAPUA's LEGENDARY INSTRUCTOR

March 26, 2002

Humahaba nang listahan ng mga antics ng Beloved Professor Natin sa MIT na si Mr. Sison…para siyang si John Nash, ang bida ng “A Beautiful Mind”. Baka may alam pa kayo, dag-dag lang…


1. naglalakad sa corridor na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse

2. paatras maglakad pag pababa sa hagdan dahil baka raw may tululak sa kanya

3. tagilid parati ang parking ng volkswagen beetle nya

4. nagatatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher…pag-tagal siyempre aalis na yung mga studyante, bigla syang lalabas at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”

5. iba ang tinuturo nyang style ng math at kapag subject niya ay pre-requisite ng isang subject, lagot ka.

6. puro sulat ng chalk ang polo barong

7. parating nagsasalitang mag-isa

8. Naninigarillo na nakalabas ang ulo sa bintana dahil no smoking sa loob ng classroom.

9. Nag susulat sa black board pero lumalagpas hangang sa pader.

10.Naging substitute teacher namin siya sa isang subject (physics ata..): at yung unang araw ay inihagis yung bote nang coke na nakalapag sa table sa harap nang klase kasi napakaingay namin nuong pumasok siya. Siempre tahimik lahat.. Tapos iniwan pa yung mga basag na bote pagkatapos nang klase, hindi man lang nilinis. Ginawa ba ni john Nash iyon?

11.nagdi-discuss yung mga babae sa front row biglang sinampal yung isa sabay sigaw ” Hindi ako putatero! kung gusto nyong mag-puta dun kayo sa Ermita!”.. hagulgol yung babae (matalino pa naman)… ang sama

12.yung grading system nya: kung ilan ang ekis mo, yun ang tama mo.
6 ekis = overpass
5 ekis = pass
4 ekis = underpass
3 ekis = salonpass(sabay tawa na ala Romy Diaz)

13.siya daw si Mel Mathay, head ng MMDA. yung pinakamatalino sa klase, head ng metro aide.

14.sa kanya namin binibigay yung test papers namin na sagot lang ang dapat nakalagay – pag me solution, male. kasi unique yung test ng bawat isa, me row #, seat # & even/odd # na variables. sa umaga yung test, sa gabi mo pa ipapasa – sa hirap…

15. nag-init ng panis na ulam sa Social Science Faculty, takbuhan palabas yung mga profs, hehe

Advertisements

No Responses Yet to “MR. SISON, MAPUA's LEGENDARY INSTRUCTOR”

  1. Jenny Says:

    Katuwa naman prof mo. Naalalako tuloy yung bakla naming prof…..


  2. thanks for the comment. matagal na pala akong graduate. di ko alam kung buhay pa si mr. sison. he was over 70’s when i was in mapua during the 1980’s.

    ingat,
    jay

  3. Yupki Says:

    Aliw itong si Mr Sison mo!


  4. hi yasmin.

    ang galing ni mr sison ano? even then he was always a riot. his classes sometimes sounded like there was a riot. pero he was really smart and his teaching methods were… shall we say, a little bit off the conventional method. both in terms of instruction (he was a wild man) and content (he had his own set of formulas).

  5. ai Says:

    malayan, este mapuan, ka rin pala! naabot pa namin sya ng ate ko…ate ko malas, naging instructor nya si sison…ka-batch sya ni otic (oldest teacher in chemistry) and an instructor in physics(old din)na nambabato ng board eraser, di ba? naalala ko lang kasi nung nag-uumpisa pa lang ako pumasok sa mapua, pinag-sit in ako ng ate ko sa physics class nya. shock of my life! kasi yung makulit na kaklase ng ate ko, nakaupo ng paharap sa likod, nakikipagkulitan sa paligid…tapos kita ko lumipad yung eraser sa ulo nya! ( si tienzo ba yun? )

    tuwa naman ako sa reminiscences mo, naalala ko tuloy ang mapua na puro sulat sa walls…parang bodega ng palay…tama ba? di ba noong panahong iyon maraming nakasulat na formula at dedications sa dingding?

  6. yetbo Says:

    nde k inabot c mr. sison pro narinig ko na sya. por kilala mo ba c Mr. Bonus? Algebra & PE. kwela rin ung Prof. n un!!! heheheh!! ikwento mo din kung inabot mo sya.


  7. Si Mr. Hokus Pokus Bonus? Hehehehehe… i heard he died as well. sayang. isa pang character yon.

    si mr. bonus used to be mapua’s swimming coach. official din siya ng swimming team ng pilipinas and always attended the olympic games. he has double degrees in civil and mechanical engineering and besides being a PE teacher also was an instructor in algebra and trigonometry.

    pag papasok ka sa klase niya ng late, kailangan alam mo ang password. pag hindi, you can’t get inside. kasi haharangan ka niya sa pinto at aasarin ka.

    MR BONUS: “PASSWORD?”

    SUDENT: “sir sinophy, cosadhy, tanopad”

    MR. BONUS: “ANO, DI KITA MARINIG”

    STUDENT: “SIR, SINOPHY, COSADHY, TANOPAD”

    MR. BONUS: O SIGE PASOK.

    SINOPHY, COSADHY, TANOPAD stands for SINe = OPPosite / HYpotenuese, COSine=ADjacent/HYpotenuse, TANgent = OPposite/ADjacent

    what a character.


  8. si ms otik (focus on the MISS ok) – siya nga ang kapatid ni mr. sison. borderline din pero not as wild as her more popular brother. si mr. tienzo? hindi ako na under sa kanya pero nakikita ko siya sa physics lab. isa pa yun na nagsusulat ng lagpas ng blackboard at saka hindi straight ang mga line ng mga figures niya – parating baluktot. pag dumiretso, binubura niya ito at binabaluktot. weird.

  9. toyee Says:

    I’ve been reading your blog for a long time now, but i never guessed you are a Mapuan too! Baka ka-batch pa kita, student no. ko ay 821177xx. BSME, 1988 grad. ako. I do remember Mr. Sison, naging instructor ko din siya. Hirap na hirap ako sa klase niya, pag nagturo kasi siya, may sarili siyang units and symbols! Syanga pala, i’m from Navotas, M. Mla, pero dito na ako naka-base sa Hong Kong, been here for 15 years now.

    I was in Singapore (my first time there) last 23-26 Feb. for a sales meeting. It was quite hot, buti na lang umulan noong 26 Feb. Anyway, i had a taste of Singapore’s signature dish sa Clark Quay : black pepper crab. OK sa sarap…

    regards,
    toyee

  10. BatJay san Says:

    salamat sa pag comment mo toyee. hindi ka umabot sa post na ito kaya hindi mo nalaman tuloy na taga mapua rin ako. medyo nauna ka lang sa akin ng isang taon pero sabay tayo nag graduate. kung ME ka, malamang ay nag cross ang landas natin dahil CoE ako. member ako ng AIDS kaya tambay ako ng entrance ng building natin.

    mabuti naman at mukhang ok naman ang buhay mo sa hongkong. maraming masarap ditong kainan tulad din diyan. o siya, ingat ka na lang at hanggang sa susunod mong pagbisita!

  11. pop Says:

    16. Pusa ang tagabantay niya sa exam.

  12. louie Says:

    two weeks ago nung napadpad ako dito sa blog mo and enjoyed reading it.kaya pala kasi mapuan ka rin…I’m also from mapua, EE class ’96. malaki na ang pagbabago sa mapua ngayon, di na siya affordable di kagaya dati na mura lang tuition.
    Tsaka pinalitan na yata yung mga old instructor na walang masteral o ayaw kumuha ng masteral. ewan ko lang kung me kagaya pa rin nila sison.

    regards,
    louie

  13. louie Says:

    two weeks ago nung napadpad ako dito sa blog mo and enjoyed reading it, kaya pala kasi mapuan ka rin…I’m also from mapua, EE class ’96. malaki na ang pagbabago sa mapua ngayon, di na siya affordable di kagaya dati na mura lang tuition.
    Tsaka pinalitan na yata yung mga old instructor na walang masteral o ayaw kumuha ng masteral. ewan ko lang kung me kagaya pa rin nila sison.

    regards,
    louie


  14. maraming salamat sa pagbisita.

    oo nga, iba na ang mapua. i was there last year para kunin ang transcript of records ko. hindi ko na makilala ang loob kahit familiar pa rin ang ibang mga building.

  15. JR Says:

    galing mo naman sir.hehe, ise-share ko sa blogs ko to para mabasa ng ibang mapuan grads from 90’s.

    kwento na lang kasi naabutan ko kay Mr. Sison.Si sir bonus naging prof ko din.wala bang kwentp kay Galias jan? hehehe.para kasi syang si Mr. Sison, mejo me sayad sa utak. hehehe

  16. Ryan Jay Says:

    wala ako masabi sa yo mr sison, kahit kwento lang masagap ko e talagang nakakapangilabot na. anyway wala nako masabi sa mapua ngaun…iba na ang mga tao, ang mga tambay puro sosyal na ehhehe di tulad dati na ang uniform natin e basang maong at lukot na white tshirt dahil wala pang tulog sa kakagawa ng report at kung ano anong requirement ng mga weirdong instructor natin. Saludo ko sa yo mr sison, sana meron galias at gatsby na mag post dito…

  17. peggy Says:

    panalo yung blog nyo sir! karakter si mr. sison hehe


  18. salamat – oo character talaga siya. walang katulad sa pilipinas.

  19. jamie Says:

    my dad told me about this mr.sison. minsan nga raw may nakasabit na pandesal sa ID nya para madaling kainin. o kaya nmn nag-iinit ng kape sa ibabaw ng hood ng beetle nya. haha.

    from what batch are you?

  20. izang Says:

    heard only of the guy.nde ko n inabutan eh..c mr bonus.ayun, alala ko psya.bubutasin nya ung cm mo during first day pra me “sign” n sya….kwela….

    c jose rizal sanhedrin?….naabutan mo?…isa pang karakter un…kontrabida nga lang….


  21. mr sison was a legendary instructor – sayang. i wish you’d encountered him.

  22. pinoypi Says:

    knock2 mr batjay, makikidraan lang po..
    i just finished reading your book at masasabi ko na talagang naaliw ako (hindi po joks).
    tulad mo pareho tayong mababaw ang kaligayahan(hehe) ..lalo na sa mga kalokohan..
    OFW din..nagtapos sa malayan, este mapua..pero di supot (joks…dati lang din)..
    actually matagal nang naka bookmark sa’kin ang site mo pero late ko lang ninanamamnam matapos basahin ang libro mo.
    speaking of mr sison, .i was under him as back subject ng integral calculus dahil sinamang palad ako sumabit ke mrs yuen (?yata yon..tagal na kc)..swak na swak ang mga antics and idiosyncrasies na nakasulat about him…i remember na me time na pumapasok pa yon na parang me medalya o anting2 na kwintas…kahit ganon pa cya, ok na rin dahil pinasa nya ko..bwahahahah…at naiwanan na din isa sa mga bwakanginang requisite subject na yan… ka batch ko yata yong daughter nya na met eng…
    as with mr bonus…ayon, twice ko din naging instructor..sa trigoa(1st yr, 2nd semester).. dapat talagang alam mo ang mnemonic na SOH-CAH-TOA..at ang mga pinagaaralan ay..i.e..computation of the longest day or shortest day of the year…haha
    second time, as PE. instructor..pag tinatamad ang ginagawa nya..pinatatakbo ang estudyante paligid ligid ng campus (as in pagkalaki laki ng campus…nong panahon ko ang northt, east, west building ay di pa magkakadugtong) hindi nya pinapauwi ang walang pawis..so kami naman na gusto umuwi ng maaga, nagpunta sa rest room at nag basa ng t-shirts..at pagtapos humarap ke mr bonus…ang sinabi lang nya sa min ay ‘cge umikot pa kayo nang umikot at ‘wag titigil hangang d natutuyo ang pawis nyo’ (buking).
    madami pa cla ..like the magtira family of terrors (ina-asawa-anak..parang incest) and oldies like senor de l apaz n senora sanchez of spanish classes…miss legazpi of humanities..etc.
    sarap alalahanin…sabay tugtog ng kanta ni rey valera na “kung tayo’y matanda na..sana..”
    at sabay kabig sa tumutugtog na plaka sa radiowealth(??)..eekkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk..
    and the rest is history..
    la bang sequel ang libro mo?..aba ..spiderman 3 at shrek 3 na at end of the world na ang pirates of the carribbean…. metong pa..(ende po ako kapampangan)..
    more power dude.

  23. batjay Says:

    maraming salamat sa pagbili ng libro ko. kung taga mapua ka rin eh maiintindihan mo ang sense of humor. hehehe. lahat ata ng cardinal ay may topak.

    salamat din sa dalaw, hanggang sa muli mong pagbalik kabayan. mas masaya ako kung kapwa OFW ang dumadalaw.

    ingat.

  24. Gene Guzman Says:

    Hahahahahaha… sikat talaga si Mr. Sison hanggang ngayon. Noong 1983 naging instructor ko yan sa Mechanics. Wala akong kaalam-alam na galit pala yan sa librong Mechanics by Webber. Dala dala ko iyon nung first day namin. Noong nakita niya ang libro ay nilapitan niya agad ako sabay hablot ng libro at tapon sa floor. Sabay sabing, “Webber is good but Sison is better!” Ang laking gulat ko noon. Hindi pala namin gagamitin yung librong Mechanics ni Webber (like everyone else sa Mapua) dahil may sarili siyang formula. Sa simula eh mahirap intindihin yung mga formula niya dahil unconventional at ang mga signs eh iba tulad ng ‘kulot’ at ‘salakot’. I consider myself lucky dahil naka 3.0 ako sa kanya. Ang mga exam niya eh take home including finals. hehehehehe Hindi puwedeng mangopya dahil kahit na same question eh iba iba ang sagot ninyo sa classroom dahil i-a-apply mo ang mga variables tulad ng seat # at row # ninyo. I heard na ipina-pa-disqualify na siya sa Mapua dahil sa mga weird na ikinikilos niya. He tried to publish his own book with his weird formula pero hindi na aprubahan sa Dept of Education dahil mahirap daw intindihin yung mga formula para sa average engineering students. Akala nila eh maluwag na ang turnilyo ni Mr. Sison at nawawala na ito sa sarili. Pero nung pinakuha siya ng exam sa faculty ng Mapua… hindi lang perfect ang score niya kundi inilagay pa niya sa tabi ng answer niya kung saan ang source ng question at kung sino ang author ng libro nito. hahahahahaha Go figure… the man is a genius! I feel lucky to have met legendary Mapua instructors like Mr. Sison, Architect Francisco (hindi raw siya nagyayabang pero anya your truly is a top notcher sa board exam), Mr. Santos (the cool weed smoking math instructor), at marami pa. Too bad at hindi ko naabutan ang kilabot na Magtira brothers (author ng Physics book). hehehhehehehe

  25. batjay Says:

    salamat sa kwento mo, nag senti mode tuloy ako tungkol sa college years.

  26. PapaJoe Says:

    I’m teaching part-time at Mapua este Malayan these days. Iba na sya. wala na ang mga legend at ang hirap mambagsak ng estudyante kasi haharassin ka nila ng kung anu anong kaso at complaint na kahit alam mo you will win the case, the fact na it will take so much of your time tapos hahanapan ka pa ng technicality ng admin (like may nakalimutan kang isang step sa standard process guide bago mo binagsak yung student). Panay mga brats lalo na sa makati campus.

    I remember Mr. Sison, he is a legend throughout the engineering academe kasi maraming graduate ng ibang school na ang nagtanong sakin kung sino yung prof na naglalakad ng patalikod and I am always proud to tell them na-under ako sa kanya sa differential equation at nasigawan pa nya ng first day kasi he called me for recitation and when I was standing up, sinigawan nya ako, eh di ko naman naintindihan kala ko he was angry that I was stalling so I sat again then tinawag ako uli then I stood up again then sinigawan ako uli tapos ayun pala gusto nya recite ka nakaupo!

    sa klase namin nakikipagbatuhan sya sa amin ng chalk at crumpled paper. pwedeng kumain ng chichirya sa class nya. pag student number 13 ka sa record nya automatic bagsak ka na raw. at what Iv heard: pinahiran nya ng tae yung bumper ng kotse nya pare hindi upuan ng mga estudyante.

  27. batjay Says:

    i remember everytime dumaraan ako sa class ni mr sison, parating may sigawan. he’s a character.

  28. charmaine Says:

    cguro pamilya nla may lahing alam mo na………..cguro dhil sa sub rang talino nya kaya sya nagkaganoon

  29. Amy Says:

    hi po…
    I had fun reading this… actually my officemate from Mapua forwarded me the URL of this site…

    para daw maniwala ako sa kwento nya ehehehe

  30. batjay Says:

    oo tutuo si mr. sison. kakaibang character talaga.

  31. doubtful Says:

    hello, po its me again… i just wana comment on wat papajoe said… hnd nmn po lahat ng studyante sa makati campus brats… majority po cguro pero meron nmn pong hnd… sana po wag nmn lahatin….

  32. ruth Says:

    haha, astig nman. hi po, baguhan lng po aq sa blog nyo. actually nakita q kau sa inquirer and i was really intrigued about the article so i tried to visit your site. so here i am, browsing your old posts. ang cool naman ng mga naranasan nio nung college days nyo, kahit ganun ung profs, astig. i’m going to be a freshman in college this coming school year at nanghinayang ako sa mga nag comment kasi nga daw po iba na ngayon kesa dati. from the profs to the students, maramig nabago. actually nakapasa po aq sa mapua makati kaya lng ung tuition, umh, mahal. hehe. salamat po sa post, nakakaaliw. i shared your site to my mom who is actually an ofw too in california. hehe.

  33. noel Says:

    grabee. naalala ko na naman yung hirap (o sumpa, hehe) na pinagdaanan ko. on the other side of the antics, sa mga sabi sabi, si mr. sison daw ang nag design ng first moon buggy. yung four wheeled car na may parang inverted umbrella na ginamit sa buwan. at ang reason kung bakit siya nabaliw eh dahil siya ang nag design ng sasakyan na ang tawag ay “sakbayan” na ginamit ng pldt noong early ’80s, na nag turned turtle. (actually pinabaligtad daw ng mga kaaway niya). at hindi maisip ni mr. sison kung bakit bumaligtad yung sasakyan eh wide, lowered at flat head naman daw ito. kaya doon nagsimulang pagdudahan ang katinuan nya. anyway, kahit nakakatawa, nakakainis, kasumpasumpa at kung ano ano pa na pwede ninyong idagdag, saludo pa rin ako kay mr. sison. hahahahahahahahahaha, nababaliw na yata ako, cge next time uli.

  34. Dopes Says:

    oo nga pla noh, nakwento na rin to nila mam sabino at ni mr. saludez

    astig daw talaga si mr. sison eh

  35. Greatbear Says:

    Almost 2 dcades past na when I was with sison in Mechanics…. whew it was really tough and sooooo funny…….
    Sometimes I cant imagine how i survived from him although hindi ako natuto sa actual teaching niya dahil puro shortcuts.. siya lang nakakaalam nang flow nang solution…. My son said iba na raw sa kuwento ko ang Mapua….

  36. kim Says:

    na share lng friend ko ang url nito.
    nakakatuwa naman si prof. sison, kung sino man sya..
    nag -aaral ako sa MIT ngayon, BSChe. haha. hindi ko na nga sya maaabutan tlga.. di pko buhay nung nagtuturo sya.
    ur son is right, iba na nga ang Mapua sa kwento mo..
    oh well, nakakatuwa ang blog mo.. godspeed:)

  37. LeL Says:

    haha. nakilala ko c mr sison kc madalas xa knukwento ng mga profs nmin ngaun sa Mapua. and sa kanila ko natutunan kung paano magtanggal ng buhol sa 1 strand ng hair. :)) hahaha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: